Panahon Na Ba Para Sa Bagong Sasakyan Ngayong 2023?

Toyota Land Cruiser 2023 Model.

Ang pagtaas ng presyo ng mga sasakyan sa loob ng 2-3 taon ay umabot na sa halos 50% hindi pa kasama riyan ang iba pang mga model na hindi pa nailalabas sa merkado kung saan kinakailangan pa maghintay ng mga buyer ng 6-18 na buwan bago makuha. May pag-asa pa ba itong bumaba? Kung economics professor ko ang tatanungin, sasabihin lang niya, “Law of Supply and Demand guys!”.

Ito ang ilan lamang sa mga rason kung bakit tumaas ang presyo ng mga kotse:

Kakulangan sa Chips – Noong kasagsagan ng Covid-19 noong 2020, binagalan ng mga manggagawa ang paggawa ng mga microchips at ngayon na mayroon na muling demand, hindi man lamang umaabot pa sa 60% noong bago pa magpandemya ang nagagawa ng mga ito. Ang mga sasakyan ngayon ay gumagamit na ng mga intelligent microchips.

MG 5 2023 Model.

Sobrang Demand sa sasakyan– Noong unti-unting nakontrol na ang Covid virus gamit ang malawakan (o pwersahan) na pagbabakuna at mga mabuting (o karamihan masama) mga pagsasagawa ng gobyerno, biglaan ang paglaki ng demand. Ilan sa mga mayayaman na hindi masyadong lumabas noong pandemya ay nagsimulang mamili ng mga mamahaling sasakyan.

Sa Pilipinas, ang pila para sa Toyota Land Cruiser ay masyado nang mahaba. Ang kadalasang oras ng paghihintay ay aabot sa dalawang taon at yung ibang mayayaman talaga ay nagbigay pa ng halos 1.2 milyon na reservation fee para rito. Ang ilan pa sa mga di makapagtimpi na mamimili ay handing magbayad ng halos 2 milyon sa grey market para makakuha lamang.

Abusadong mga Bangko– Pinadali na ng bangko ang pagbili ng sasakyan sa panahong ito. Ngunit magdoble ingat sa nagtataasang interes na halos aabot sa 50% na mas mataas kaysa noong 2019. Ang interest loan halimbawa na lamang noong bago magpandemya, ay aabot sa 6-7% per annum ngunit nasa 10-12% na ito ngayon! Kung bibilangin, mas mataas na interes, mas mataas na buwanang amortization! Mas masaya ang mga tao sa bangko!

Dagdag pasakit pa sa usaping ito na ang karamihan sa magagandang yunit ay wala pa talaga sa merkado. Bumibili ang mga tao ng mga kakaibang disenyo ng Toyota Raize, Toyota Avanza at Toyota Veloz na sa totoo lang, mga re-branded na lamang. Mayroon na ring mga mga Chinese brands sa merkado gaya ng MG, Geely at GAC para sa mga hindi makapaghintay sa Japanese brands.

Ford Everest 2023 Model.

Ang tahimik lamang na nananalo ay ang mga American at European brands na nagbebenta ng mga China-made nay unit gaya ng Ford Everest, Territory at ilang Mercedes at Chevrolet na models.

Kaya ang tanong ngayon, makakakuha ba talaga ako ng magandang deal ngayong taon? Para sa taong nagpapakahirap kumita ng pera, HINDI pa rin ang sagot ko! Pero kung wala kang magawa sa iyong pera, bilhin mo kung anong nandiyan.

Pero kung ano man ang iyong bibilhin, mapaInternal combustion chamber man yan o Hybrid na klase, kakailanganin mo pa rin ng NASA Hall of Fame Awardee na engine at fuel product na X-1R para sa mas malakas na makina, mas tipid na konsumo ng gasolina, at iwas polusyon. Mabibili ito sa:
Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/x-1r-philippines
Shopee: https://shopee.ph/x1r_philippines

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.