Karo ng Patay, Electric Car?
Sa mga hindi nakakaalam, ang Mustang Mach-E ang unang tangka ng Ford sa Electric vehicle industry at naging malaking hit ito sa mga car enthusiasts at sa katunayan, naging Top Car pa ito sa Automobile Association of America (AAA) sa loob ng ilang buwan.
Talagang napakaganda ng mga reviews na halos maungusan na ng Ford ang Tesla sa dami ng mga nagawa nitong EVs. Naging hit pa rin ito kahit na may mga pangit na gawa o may panandaliang paghinto sa pagbenta nito dahil sa problema sa baterya.
Isang all-electric na karo ng patay…
Sa United Kingdom, ang Coleman at Milne na isang specialist funeral supplier ng sasakyan sa Bolton ay nagsimula na magkaroon ng mga Electric Vehicle na karo at ito ang napatunayan na una sa kanyang linya ayon sa Mach-E. Pinangalanan ito na Etive alinsunod sa sikat na Scottish river na ngayon pinapatunayan sa Millbrook testing facility na kayang tumakbo ng 65,000 kilometrahe bago matapos ang Marso.
Sa pakiwari, sa disenyo nito, kayang maglulan nito ng pitong pasahero, kabaong at mga iba pang tributes. Walang pagbabago sa makina nito ngunit mas maikli na ang kayang itakbo nito mula noong 400 kilometrahe na naging 300 kilometrahe na lamang. Sa kasalukuyan, ang Coleman Milne ay humahanap na ng paraan upang maexport ito sa kalakhang Europa.