INAABANGAN: 15% na Pag-Angat sa Benta ng mga Sasakyan sa 2023
Mas mataas ng 42% ang benta ng mga sasakyan netong Enero 2023 kumpara noong 2022.
Hindi na masama lumipas na 2022 sa industriya ng sasakyan sa Pilipinas. Makikita na signos na ito nang unti-unting pagkabawi ng ekonomiya mula sa pandemya. Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) and Truck Manufacturers Association (TMA), 352,596 na yunit ng mga sasakyan ang naibenta na sobra sa 336,000 na target na yunit na maibenta noong nakaraang taon. Halos malapit na ito sa 369,941 na kabuuang yunits noong 2019.
Ayon kay CAMPI President Atty. Rommel Gutierrez, “Positibo kami na patuloy na ang pag-angat ng demand ngayong taon at naniniwala kami na tuluyan nang matatamaan ang 2019 na target ngayong 2023.”
Sa pinagsama-samang tulong ng buong industriya, inaasahang mas tataas pa ng 15% ang 2023 kaysa sa 2022 at malalagpasan pa ang 400,000 na marka nito bilang unang beses sa kasaysayan.
Nagsimula sa magandang apak ang benta ng sasakyan ngayong taon at ngayong Enero ay nakabenta ng 29,499 yunit ang mga miyembro ng CAMPI-TMA. 42% ito na mas mataas kumpara sa 20,765 noong Enero 2022. Ang buong sales performance na ito ng auto industry ay dala ng mataas na demand sa commercial vehicles at mga pampasaherong sasakyan. Ang benta ng mga commercial vehicles ay pumalo sa 46.8% o 21,993 netong Enero samantalang ang benta naman ng mga light commercial vehicles ay pumalo sa 40.9% o 16,757 yunit. Sa kabilang banda, umabot naman sa 87.1% o 4,587 ang bilang ng mga sasakyang gawa sa Asya ang nabenta. Tumaas rin ng 29.8% o 7,506 yunit ang benta ng mga pampasaherong sasakyan neto ring Enero.
Hindi maipagkakaila na lumaki na talaga ang demand. Sumabay na rin ang pag-angat ng bilang ng supply ng iba’t ibang model ng sasakyan lalo na ang mga gawang Japan na noon ay halos wala na. Lahat ng mga manggagawa ng saskyan sa panahon na ito ay nagsasabi na mas tataas pa ang inaasahang benta ng mga ito kahit na inaasahan rin ang paglabas ng iba’t ibang modelo sa merkado. “Talagang naghahanda ang lahat ng mga brand sa pagbawi na iniintay natin,” ani ni Atty. Gutierrez.
Sa totoo lamang, kumakaharap pa rin sa dagok ang industriya lalo na sa mga pahirap dulot ng kakulangan sa mga microchips. Ayon kay Gutierrez, “Para sa ibang mga modelo, oo, mayroong kakulangan lalo na ang mga galing sa Japan ngunit positibo pa rin ang industriya sa patuloy na lumalawak na demand para rito kahit na mayroong ilang pagsubok sa supply chain na maari rin naman talagang maging hadlang sa patuloy na pagbawi ng buong industriya.”
Sa patuloy na pag-angat ng benta ng mga sasakyan at galak rin ito para sa mga suppliers ng vehicle accessories at mga car-care products. Kabilang na diyan ang subok na at hindi matatawarang serbisyo ng mga produkto ng isa sa Space Technology Certified and NASA Hall of Fame Awardee, ang X-1R at ang mga produkto nito na Engine, Fuel at Transmission Treatments.
Kung nais mong masubukan ang mga ito, maaring tumawag sa +63 956 809 5284 o mag-iwan ng mensahe sa aming facebook account www.facebook.com/X1RPhilippines o bumili mismo sa aming Lazmall at Shopee stores:
Lazada: www.lazada.com.ph/shop/x-1r-philippines
Shopee: www.shopee.ph/x1r_philippines