At ano ang mga dapat mong gawin.
Noong 1950’, naisapubliko ang Mercedes Benz 300SL Gullwing o ang kauna-unahang Direct-Injection (DI) Engine sa mundo. Naging matagumpay ito hindi lamang dahil sa kagandahan ng kaya nitong ipakita ngunit dahil na rin mas episyente nitong nagagamit ang gasolina nito. Sa katunayan, ito rin ang pinakamabilis na sasakyan noong araw.
Ang imbensyon na ito sa larangan ng teknolohiya ng petrolyo ay talaga namang tagumpay at umabot ng ilang dekada ngunit kalaunan ay nagkaroon ito ng problema. Kung ikaw ay gumagamit ng sasakyan na nasa 40,000km na ang tinatakbo o mahigit pa, mararamdaman mo na ang pagkatanda nito: malakas na ito sa gasolina, hindi na masyadong mabilis ang pagtakbo at kadalasan ay mayroon pang mga umuugong na parte ang sasakyan. Kung iyong sinusunod ang maintenance schedule, ang maaring problema ay ang tinatawag na CARBON-BUILDUP.
Kagaya ng pangkaraniwang panggatong at uling na kapag nag-aapoy ay nag-iiwan ng abo, nagkakaroon din ng ganito ang loob ng iyong makina.
Ang mga binebentang produktong petrolyo ngayon sa merkado ay may mga halong additives upang mabawasan ang pagbuo ng carbon. Ngunit kung DI engine ang iyong gamit, ang gasolina ay direktang dumederetso sa combustion chamber sa ibaba ng intake valve na nagdudulot ng mas malawak at mas makapal na carbon:
Kung ginagamit mo ang Youtube para sa mga car advice, napakaraming videos na nagsasabing i-redline mo ang iyong sasakyan o patakbuhin sa pinakasagad nitong kakayahan upang masunog nito ang mga carbon na nakadikit sa kanya. Magawa mo man ito at mawala man ang carbon na iyong problema, sigurado akong mamomroblema ka naman sa ibang bagay gaya na lamang ng pagkasira ng ilang parte ng iyong sasakyan. Kaya naman huwag maniniwala basta-basta sa mga napapanuod kung ayaw mong matuluyang masira ang pinakamamahal mong sasakyan.
Sa kabilang dako, maari mo naman talagang ipalinis sa mga propesyonal na technician o mekaniko ang iyong auto. Maari syang gumamit ng solvent sa paglinis nito.
Una sa lahat, gusto nating magawan ng paraan bago pa kainin ng carbon ang iyong makina, at ang TAMANG ADDITIVE ang makatutulong para rito. Ang pinakabagong formula mula sa X-1R na 5-in-1 Petrol/Diesel Decarboniser ay ginawa hindi lamang para makapagtanggal ng mga carbon ngunit para rin maiwasan ang pagbubuo nito sa una pa lamang para sa palaging “bagong” pagmamaneho.
Ang isang bote ay makapagatanggal ng carbon sa kada 5,000 kilometraheng takbo o kada tatlong buwan. Aalisin din nito ang water contamination, papasiglahin muli ang iyong makina, makatitipid sa gastos sa gasolina at makababawas ng delikadong emissions. 5-IN-1 TALAGA!
Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa +63 956 809 5284 o bumisita sa www.facebook.com/X1RPhilippines