Ganda Nito–Bagong Suzuki 5-door Jimny, Inilabas na!

Ilang buwan na rin usap-usapan sa industriya ng automotive ang paglabas ng Suzuki ng kanilang bagong Jimny. Binasag na ni Maruti Suzuki ang bulungan na ito nang nilabas na nila ang bagong 5-door Jimny sa Auto Expo India 2023.

Hindi na rin sikreto rito sa amin sa Automology na talagang gusto namin ang porma ng Suzuki Jimny. Maliit man pero astig itong tignan ngunit talagang kailangan na rin talaga nito ng “big brother” at masaya kami na mayroon nan gang bagong 5-door kung saan di hamak na mas malaki kaysa sa naunang 3-door Jimny.

Ang nakakagulat, mula sa 3.65 metres, naging 3.98 metres ang haba nito; oo, humaba lamang ng 335mm ang chassis para sa mga extra na pintuan nito na maari ring sapat na para sa ikaluluwag ng loob nito. Maliban diyan ay wala naman na ibang malaking pagbabago sa labas ng auto.

Kung titignan naman sa lakas, ang bagong Jimny ay mayroong 1.5 litre na engine na maaring makapagbigay ng 104bhp, at maari ka rin pumili kung anong gusto mo sa 4-speed automatic o 5-speed manual. Ang torque nito ay 134Nm at 4,000 rpm at sa 3-door Jimny palang, talagang pwedeng-pwede na ipang off-road.

Lahat ay nanatiling ganoon lamang kasama ang braking system na mayroon pa ring drum brakes. Ang loob ay ganoon pa rin kagaya ng dati kung saan mayroon pa ring touchscreen na may Android Auto at Apple CarPlay at mas malawak na leg room sa likuran para sa mga pasahero.

Ang 3-door Jimny ay hindi maipagkakailang panalo at naging classic na sa market ng off-road vehicles at wala pa akong nakikita na plain lamang o hindi customized na version nito sa kalsada. Patok na patok rin ito sa urban areas dahil na rin sa mga kabataan na gustong-gusto ang style nito.

Para sa akin, malaking panalo ito para kay Maruti-Suzuki. Ang tanong na lamang ay kailan ito makakarating sa iba pang bansa sa Southeast Asia gaya ng Pilipinas?

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.