Bakit Ginagamit ng Hapon ang Reverse Parking? Mas Epektibo ba Ito?
Kung ikaw ay naglalakbay o nagmamaneho sa Japan, alam kong alam mo ang batas kung saan patalikod dapat ang pagpapark ng sasakyan at hindi paharap o reverse parking. Lingid sa kaalaman natin na makikitid lamang ang mga parking spaces sa Japan kaya naman mas madali makita ng mga drayber ang sasalubong sa kanilang traffic pagkaalis nila sa pwesto kung gagamit sila ng ganitong paraan. Dagdag pa rito na hindi na rin kinakailangan tumingin pa ang mga dumadaan at iba pang sasakyan tuwing may aalis sa parking.
Ngunit mayroon pa nga bang ibang dahilan maliban sa kaligtasan? Ito ang tinignan ng mga mananaliksik.
Ayon sa Monash University’s National Road Safety Partnership Program (NRSPP), hindi lamang ligtas ang reverse parking kundi nakakatipid din ito sa oras. Ginagawa ito kung kailan mas matuwid pa ang pag-iisip at may kamalayan pa ang mga driver sa kanilang kapaligiran at mas nakaktipid ito sa oras kapag ito habang paalis na kung saan hindi na gaanong mapagbantay ang pag-iisip nito. Ngunit isaalang-alang rin natin na di hamak na mas mahirap ang pagkarga ng mga dalahin sa likod ng sasakyan kung ito ay nakareverse parking.
Isang science correspondent ang ikinumpara ito sa Marshmallow Test kung saan binibigyan ang mga bata ng “treat” gaya ng marshmallow at sinasabihan kung kaya ba nilang maghintay muna bago kainin ito upang makakuha sila ng dalawa, Gayundin sa mga driver na gumagawa ng reverse parking at ito ay tinatawag na “delayed gratification”. Mahihirapan muna sa simula ng pagpapark upang mas makaalis ng mabilis.
Ang kultura ng reverse parking ay ginagamit at nakikita na rin sa ibang bansa gaya lalo na sa Asya. Isang propesor sa Old Dominion University sa Virginia ang nakapansin sa isang trip niya sa Taiwan na halos lahat ay nagrereverse parking. Pinag-aralan ni Shaomin Li kung paano nagpapark ang mga tao sa ibang bansa gaya ng Brazil, China, India, Russia at Amerika. Napag-alaman niya rito na 88 porsyento ng mga saskyan sa China ang gumagamit ng reverse parking kontra sa 6 porsyento ng Amerika.
Nagkaroon ng teorya ang propesor sa ugnayan ng parking behavior at pag-unlad ng ekonomiya sapagkat napag-alaman ng mga ekonomista na ang delayed gratification na teknik ay susi rin sa tagumpay at mas mataas na kita. Sulat ito ni Li sa isang artikulo sa Financial Times.
Kung gayon, ang nagsulat ng artikulong ito ay ilan taon nang gumagawa ng reverse parking at naghihintay pa rin ng sinasabi nilang “tagumpay at mataas na kita” na kasama raw nito.