5-in-1 Diesel Decarboniser…Paano Ito Makatutulong Sa Iyo?

Napakaraming produkto sa merkado na maaring pagpilian at lahat ng ito sinasabing makagagawa ang kanilang produkto ng mga himala. Sa mundo ng automotive lubricant, mas grabe pa ang pag-aangat dito pero paano kung mayroon talagang kompanya na nagagawa at napatunayan na kung ano man ang sinasabi nito?

Ang X-1R ay isang kompanya na mula sa NASA isa sa pinakamagaling na engineering na organisasyon – kung hindi man ito pinakamagaling (Oo, ang organisasyon na nagpapalipad at nagpapadala ng mga tao sa buwan at iba pang planeta. Pinapatunayan lang nito na ibang klase at talagang mataas ang mga pinag-aralan ng gumagawa ng mga produktong tatak X-1R.

Isa sa mga bago at pambatong produkto ng X-1R ay ang 5-in-1 Diesel Decarboniser. Bago natin alamin ang mga benepisyo at gamit nito, ito ang ilan lamang sa mga problema na kalimitang nararanasan mo sa iyong diesel-powered na sasakyan na paniguradong matutugunan ng produktong ito.

Ang mga diesel na sasakyan ay talagang maaasahan para sa pang araw-araw na mabibigat na gawain ngunit hindi rin maiiwasan ang pagpalya nito gaya na lamang sa Diesel Particulate Filter (DPF). Ang DBF ay nakapaloob sa exhaust system kung saan ito binabawasan nito ang mga dumi na nilalabas ng tambutso.

Nagsisilbing “panala” ang DBF na sumasalo ng halos 80 porsyento ng mga delikadong dumi mula sa combustion chamber. Makalipas lamang ang ilang sandali, ang mga dumi mula sa DBF ay nagsisimula na mabuo. Kapag nakita ng software ng iyong makina na mayroong pagbabara sa DBF na mahigit sa 10 porsyento, otomatiko na itong magsisignal ng extra fuel sa makina; kapag ang umakyat ang usok patungo sa Diesel Oxidation Catalyst, itatas nito ang temperature para masunog ang mga namuong dumi na aabot sa 600°C! Sa kasamaaang palad, gumagamit ito ng halos kalahati ng iyong gasolina at 15-20 minuto na pagmamaneho at umiikot na makina na aabot sa 2,200 rpm na nagiging dahilan ng paglakas nito sa konsumo ng gasolina at paglabas ng mabahong amoy, lahat para lamang solusyonan ang problemang iyon nang panandalian.

Kung nararanasan mo ang ganitong problema, bibigyan kita ng mabilis at epektibong solusyon. Kalimutan mo na ang pagsasayang ng oras, pagsusunog ng gasolina at bulsa dahil ang 5-in-1 Diesel Decarboniser ay makatutulong upang:

  • Matanggal ang mga naipong carbon at malinis ang mga fuel injectors
  • Makatulong sa pagtitipid ng gasolina at magbibigay ng mas malakas na power
  • Mapadulas ang upper cylinder at mabawasan ang pagkasira
  • Mapanatili ang maayos na paggamit ng gasolina
  • Matanggal ang moisture mula sa tangke hanggang sa mga linya nito
  • Sa oras na naglagay ka ng isang bote ng decarboniser sa iyong tangke, mabilis nitong tatanggalin ang mga namuo sa DBF kasama na rin ang mga iba pang dumi ng buong fuel system.

Mas bibilis, mas magaan at mas tipid mo nang magagamit ang makina ng iyong sasakyan. I-try mo na at mag-enjoy sa mga benepisyo nito. Maaring bumili direkta sa aming Lazada at Shopee stores:
Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/x-1r-philippines
Shopee: https://shopee.ph/x1r_philippines

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.