Nagsinungaling sa atin ang mga Electric Vehicle “Evangelists”

Sa tingin ng Automologist na sir Harold, nilinlang tayo ng mga “Ebanghelista ng Electric Vehicles”.

Image source: ccv.eu

Madiing inaangkin ng mga “Ebanghelista” ng Electric Vehicles na ang ganitong uri ng sasakyan ang tanging solusyon sa lumalalang problema nag buong mundo sa climate change ngunit isa pala itong MALAKING KASINUNGALINGAN! Ang katotohanan, and mga electric vehicle ay mas malala pa pagdating sa polusyon kung ikukumpara sa mga gasoline at diesel powered na mga sasakyan. Samakatuwid, walang maiaambag na solusyon ang mga EV sa pagbawas ng greenhouse gases.

Katotohanan #1 – 7% lamang ang ambag ng mga sasakyan sa totalya ng Greenhouse Gases sa buong mundo.

Siyam na porsyento ng mga rehistradong sasakyan ngayon ay electric na. Sa ibang bansa, mas mataas pa ang porsyento diyan at yung iba naman ay mas mababa. Ang nakakabahala, unti-unti na papunta ang mundo sa paggawa ng mga sasakyan gamit ang kuryente na nagbababase lamang sa mga haka-haka, biased at mapanlinlang na mga impormasyon.

Bago pa ang dumating ang pandemya, umaabot sa 51 bilyon kada taon ang GGG ngunit nitong 2020, dahil sa paghinto ng halos lahat ng gawaing komersyal, industriyal at agricultural, bumaba ito sa halos 31 bilyon na lamang. Ngayong tayo ay bumabalik na sa normal, malaki ang tyansa na bumalik tayo sa 5o bilyon kada taon muli o higit pa kung hindi natin ito pagtutuunan ng pansin.

Ayon sa global statistics, 43% ng GGG ay naitalang nagmumula sa industriyal, manufacturing at komersyal na sector, 33% sa agricultural, 16% mula sa transportasyon (air, sea at land), 7% mula sa kabahayan at gusali at 1% mula sa iba pa. Sa 16% ng indutriya ng transportasyon, 45% rito ang nagmumula sa mga kotse. Samakatuwid, 7.2% lamang ng GGG ang talagang nagmumula sa mga usok ng sasakyan kaya bakit sa mga ito nakatingin ng husto ang gobyerno sa paglutas sa problema sa polusyon ng mundo?! Mali atang target ito!

Katotohanan #2 – Nakukuha ng mga EVs ang power supply nito mula rin sa mga planta na gumagamit ng gasolina at uling.

Image source: dw.com

Dito na maraming tao ang naloloko. Kahit na lahat ng sasakyan ay maging de-kuryente, aambag pa rin ang mga ito sa GGG emissions dahil lahat ng planta malamang ay gagamit at gumagamit pa rin ng produktong petrolyo. Sa China lamang, mahigit sa 1,200 ang coal-powered plants at 300 ang binubuo pa. Sa Pilipinas, mas marami pa rin ang mga power plant na gumagamit ng diesel at gasolina. Sa madaling salita, para lamang natin nilipat ang polusyon mula sa tambutso ng sasakyan papunta sa mga tubo ng power plants!

Totoo naman na mas mababa talaga ang GG emissions mula sa iang yunit ng EV na sasakyan kumpara sa sasakyan na gumagamit ng petrolyo ngunit kung susumahin, halos 3% lamang talaga ang magiging epekto nito sa kabuuan. Kaya naman, ang kabuuang gastos sa imprastraktura, lakas-tao, at pagkawasak ng kalikasan na magagamit sa paggawa ng mga EV ay hindi tugma sa 3% lamang na bawas sa polusyon! Samakatuwid, mas magastos pa rin talaga sa panandaliang at pangmatagalang usapan ang pagpalit ng mga sasakyan mula sa ICE patungong EV. Ngayon, anong benepisyo ang mga sinasabi ng “EV Evangelists” nga ulit?

Katotohanan #3 – Ang paggawa ng mga baterya at pagtapon nito ay napakadumi at labis na nakakasira ng kalikasan! Kung sa China ito magmumula, makokontrol na rin ng China ang industriya ng sasakyan sa buong mundo.

Image source: electrive.com

Ang paggawa at pagtapon ng mga duming galing sa baterya ay sobrang dumi at sobrang nakasisira sa kalikasan na halos wala nang bansa ang may gustong gumawa at magtapon nito. Sino lang bang bansa ang may gusto at kaya nito? CHINA! Ayon sa mga eksperto, 70% ng mga baterya ng EV ay manggaling sa China at iyan ang magiging dahilan ng pagkontrol nito ng buong mundo.

Maraming tao ang nagrereklamo dahil sa pagkontrol at pagmamanipula ng OPEC sa preyso ng produktong petrolyo pero paano na lang kung manggaling lang ito sa isang bansa? Anong mas nakakatakot?

Katotohanan # 4 –Apat na bansa ang pinangggalingan ng 56% ng GGG emissions. Bakit hindi na lang sila ng itarget?

Image source: statetimes.in

Ayon sa mga sources, 56% ng GGG emissions ay nanggagaling sa apat (4) na bansa: 32% mula China, 12.6% sa USA, 6.7% sa India at 4.7% mula Russia. Kung pagtutuunan lamang natin ng pansin ang apat na ito, sisiw na lamang ang iba pang hakbang para sa maaliwalas na kapaligiran malayo sa delikadong hangin na dala ng polusyon.

Ang susi? Gumamit o lumipat sa iba pang energy sources na mas kapaki-pakinabang at ligtas para sa lahat.

Katotohanan # 5- Mas malinis at mas mura ang paggamit ng Nuclear Energy kaysa uling.

Image source: caea.gov.cn

Sa totoo lang, uling ang pinakamaduming uri ng energy fuel bukod sa katotohanan na nauubos na rin ang pinagkukuhanan nito. Marami na rin pag-aaral ang ginawa sa “wind energy” ngunit hindi ito mapagkakatiwalaan dahil sa dependent ito sa panahon at masyadong malaki ang lugar na kailangan para sa mga windmills. Ang iba pang uri ng enerhiya ay Solar at Hydro na depende rin sa panahon.

40-50 na taon na ang nakalilipas, nuclear energy ang isa sa kinatatakutan at dahil dito, hindi na napagtuunan at masyadong nagamit ito sa pagpapalawak ng teknolohiya. Ngayon ay pinag-uusapan na mas maasahan, mas malinis at mas mura ito. Ayon din sa balita, gumagawa nan g halos 400 na nuclear power plants ang China.

Natutuhan ko sa isang economist na ang paglalatag ng isang problema ng walang konketrong solusyon ay isang di katanggap-tanggap na pag-uugali. Kaya naman, hayaan ninyo akong magbigay ng mga solusyon o suhestyon na mula sa aking mga nakalap:

  1. Pigilan ang pagpwersa sa mga tao na gumamit ng electric vehicles. Bigyan ninyo sila ng choice, pwede?
  2. Ang mga EVs ay kinakailangan magmula sa mga “green energy sources” upang mas maging kapaki-pakinabang.
  3. Mas palakasin pa ang research and development patungkol sa hydrogen fuel. Isa ito sa pinakamaayos na alternatibo sa fossil fuels.
  4. Palawakin ang paggamit ng nuclear energy.
  5. Pabilisin ang pag-ubos sa mga coal-fired plants.
  6. Magtuon ng pansin sa gobyerno ng China, USA, India at Russia upang lumipat na sila sa green energy.
  7. Itigil ang pagpapasama sa imahe ng mga combustion engine cars.

 

At habang iniintay natin ang mga progresong mangyayari, maari kang gumawa ng paraan para mabawasan ang iyong paggamit ng produktong petrolyo gamit ang pinagkakatiwalaang mga lubricants sa merkado gaya ng X-1R Engine Treatments at X-1R Diesel at Petrol Decarbonisers na titiyakin ang malinis na fuel system ng iyong sasakyan.

Kung gusto mong bumili ng produktong ito, tumawag lamang sa +63 956 809 5284 o mag-iwan ng message sa aming facebook page sa www.facebook.com/X1RPhilippines.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.