Ano Ang Decarbonising At Bakit Kailangan Ito Ng Sasakyan Ko?
Ang pagkakagawa sa sasakyan na regular na nadadala sa o napapatingin sa mga automotive service shops ay sinasabing maaring magkaroon ng aabot sa six-figure na milyahe nang wala masyadong malaking kumpunihin. Ngunit magiging kapansin-pansin ang pagbaba ng power at acceleration kapag tumatanda na ang sasakyan gaya nating mga tao.
Sa panahon ngayon, maaring halos karamihan ay mayroong direct-injection engine kung saan ang petrol ay direktang tumatama sa combustion chamber para sa mas mahusay na pagkonsumo ng gasolina. Ngunit nakagugulat na kahit ito mismo ay may problema sapagkat hindi na kinakaya ng solvent ng gasolina ang pagtunaw sa carbon deposits upang mapanatiling malinis ang combustion engine na nagreresulta naman sa mas mabilis na pagbuo ng mga naiiwang carbon.
Kadalasan ngayon papayuhan ka ng iyong service center na i-decarbonise ang iyong makina kahit na mababa pa lamang ang itinatakbo nito upang maprotektahan at mas mapaganda pa ang takbo lalo na kung ikaw ay nagmamaneho ng diesel-powered na sasakyan. Kung hindi mo susundin ang payo na ito at gawin ang sinaunang paraan ng paglilinis ng iyong makina kung saan sasagarin ang pagpapatakbo ng iyong sasakyan upang masunog ang mga naiwang carbon, hindi mo lamang maaring ipahamak ang mismong makina nito ngunit pati na rin ang kalikasan dahil sa paglalabas ng mas delikadong kemikal.
Ngayon, ano ang iyong dapat gawin?
Ang mga kaibigan natin sa X-1R ay matagal nang nangunguna pagdating sa fuel additive technology sa mahigit tatlumpong taon na pagsusupply nito ng produkto sa NASA. Ang kanilang kumpletong FUEL SYSTEM TREATMENTS ay patuloy na nagbabago upang mapantayan ang mga pagbabago sa content ng gasolina na siyang nagiging dahilan ng pagkakaron ng carbon build-up sa makina. Ang kompanya ngayon ay naglabas ng isang makabagong produkto na naglalaman ng revolutionary at patented technology na tinatawag na X-1R DECARBONISER FIVE-IN-ONE.
Ayon kay Jeff Ketchledge ng X-1R Corporation, “Ang X-1R Five-in-One Diesel at Petrol Decarboniser ay ang pinakakomprehensibo, multi-purpose na additives para sa alinmang fuel system na makikita sa merkado. Ang bawat katangian sa loob ng Five-In-One Decarboniser ay nakatodo ng dosage upang mas maging kapaki-pakinabang sa luma ngunit parang bago mong sasakyan. Ang produktong ito ay napatunayan na nakapag-aalis ng kahit sobrang tagal na carbon build-up habang nababawasan ang konsumo sa gasolina ng 2%.
Kung iyong babasahin, mapapansin mong ang Five-In-One Decarboniser na ito ay talagang epektibo sa pagtanggal ng water contamination, pagbawas ng mapanganib na emissions at pag-boost rin ng Octane/Cetane. Kung titignan rin kung gaano kadali ilagay at kamura ang produkto, masasabi talagang dapat mayroon ang lahat ng car owners ng ganito.