Amazon Zoox: Ang Pinakaunang Robotaxi
Ito na ba ang katapusan ng mga kotse na ating kilala?
Halos dalawang taon na ang nakalipas nang ipakita ng Amazon subsidiary na Zoox ang kanilang sariling electric autonomous robotaxi. Ang kakaibang sasakyang hugis-kwadrado na mas mukhang nababagay sa golf course kaysa sa kalsada ay nagsimulang ilabas sa mga pampublikong lansangan sa hilagang California nang may permiso mula California Department of Motor Vehicles.
Hanggang sa kasalukuyan, isa pa lamang ang taxi na nai-release sa publiko ngunit ito ay ang parehong sasakyan na sinasabing pumasa sa self-certification ng Federal Motor Vehicle Safety Standards authority.
Sa simula, magiging available lamang ang sasakyan sa mga empleyado ng Zoox, na magpapatakbo bilang shuttle sa pagitan ng gusali ng kumpanya sa Foster City, California, na may pampubikong ruta na mga dalawang milya. Mukhang simple, ngunit ayon kay Aicha Evans, CEO ng Zoox, ito ay tunay na kumplikadong ruta na kailangang tahakin ng maliit na cube na sasakyan.
Karamihan sa atin ay hindi pa nakakarinig tungkol sa Zoox. Sila ay halos hindi napapansin ng media. Ang kumpanya ay halos walong taong gulang pa lamang ngunit may ambisyosong plano na magtayo at mag-operate ng komersyal na robotaxi service gamit ang mga sasakyang kanilang dinisenyo, binuo at ginawa sa loob ng kumpanya. Sa kasalukuyan, mayroon silang isa lamang na sertipikadong sasakyan ngunit nagawa na nila ang ilan pa. Mayroon silang plano na gawin rin itong publiko lalo na sa mga malalaking lugar.
Ang problema lamang sa sasakyan na ito ay wala itong manibela at pedal kaya’t kailangan nitong magkaroon ng Federal Motor Vehicle Safety Standards exemption (FMVSS) at ito ang tinitignan ng NHTSA upang malaman kung mayroong basehan na ibigay sa Zoox ang exemption. Kung mabigong ma-approve ang kahilingan, maaaring hindi na ito maaring magamit sa kalsada.
Bagaman ito ay isang setback para sa Zoox, mayroon din silang fleet ng mga Toyota Highlander na may self-driving system at nakapag-ooperate na sa mga pampublikong lansangan sa San Francisco, Las Vegas, Foster City at Seattle, kaya naman hindi malayo na darating ang Amazon Zoox sa lugar malapit sa iyo sa hinaharap.