Paglipat Sa E10 Fuels, X-1R Five-In-One Petrol Treatment Ang Sagot

Ibinalita na sa UK at iba pang karatig lugar nito ang pagpapalit nila ng gasoline mula sa bio-ethanol content o B5 patungo sa B10 o mas eco-friendly at tinatawag ding E10. Ang problema lamang ay hindi dito tugma para sa lahat ng sasakyan. Humigit-kumulang sa 600,000 na sasakyan na gawa bago ang 2011 at mga sasakyan na nakatakdang gumamit ng biofuel ay kabilang rin sa maaring tamaan nito.

E10 ang tawag sa gasolina na 10% ang lamang bio-ethanol. Ang ethanol ay isang uri ng alcohol mula sa halaman gaya ng tubo, beet at wheat na hindi maaring inumin. Sa bansang Brazil, maari nang makabili ng E10 Fuel dahil pinabibilis na roon ang pagpaparami ng mga bio-ethanol crops ngunit sa kalakhang Europa ay ihinahalo pa rin ito sa 90% hydrocarbon fuel na magandang uri ng lumang langis.

Makikita natin na ang pagkilos na ito ay makababawas sa galaw ng petrolyo sa merkado at kaakibat na rin ng pagpapahinto ng gobyerno sa pagbebenta ng internal combustion cars sa 2030 dahil na rin sa paghahanda sa tuluyang pagbabago ng klima, maaring mapatanong ka na, “Bakit? Para saan pa?” Kung talagang titignan, sa maikling panahon, mapapaliit nito ang dami ng carbon mula sa mga sasakyan sa UK ng mahigit 750,000 tonelada kada taon ayon na rin sa Department of Transportation. Katumbas ito ng pag-alis ng 350,000 na kotse sa kalsada kada taon!

Napakalaking numero nito ngunit hingi natin dapat ipagsawalang-bahala ang 600,000 na sasakyan na gawa bago ang 2011 na maaring hindi na muling magamit dahil sa E10. Sa katunayan, ang mga sasakyang hindi kaayon sa ganitong klaseng gasolina ay maaring masira. Ang gobyerno ng UK ay gumawa ng isang website para sa mga mamamayan na may malaking disclaimer kung saan sinasabing walang pananagutan ang pamahalaan kung magdulot ito ng kasiraan ng iyong makina.

Maraming isyu sa E10 fuel kasama na ang pagkasira ng mga rubber at plastik sa makina at ayon sa British-based monitoring organization na RAC, ang E10 isang unstable na fuel. Dito na papasok ang bagong X-1R Five-in-One Petrol Treatment.

Ang makabagong US-based automotive additive na sertipikado at mayroong pinakamataas na fuel stabilization sa ASTM D525 protocol ay maaring magbigay ng anim na buwan na stability sa gasolina. Ngunit hindi pa riyan natatapos: Hindi lamang gasolina ang pinapataas nito pati na rin ang Octane upang mas makapagbigay ng mas kaledad na takbo ang sasakyan.

Isa pang nakikitang problema ay ang pagiging hygrospcopic ng bio-enthanol o ang kakayahan nitong sumipsip ng moisture sa atmosphere. Sa tuwing nangyayari ito, nawawala sa ethanol ang abilidad nito na humalo sa gasolina at sumasama na lamang sa tubig na nagdudulot ng pagkawala ng lakas ng gasolina. Ang X-1R Five-In-One ay may kakayahan tanggalin ang tubig na magiging daan upang maging mas maayos daloy ng gasolina sa combustion hanggang sa paglabas nito sa tambutso.

Nasa kalagitnaan pa rin ng debate kung paano ang magiging takbo ng bio-fuels sa merkado ngunit sa kasalukuyan, marami pa itong kinahaharap na pagtutol gaya na lamang na mas kinakailangan ng mga tao ang lupa upang umani ng makakain kaysa sa paggamit nito upang makagawa ng malinis na petrolyo. Ngunit hindi rin naman natin maaring ipagwalang-bahala ang kakayahan nitong maging solusyon gaya ng electric vehicles sa paggamit ng renewable energy. Sa katunayan, simula pa noong 1970 sa bansang Brazil ay gumamit na ng tinatawag nilang “flex-fuel” para sa mga sasakyan kung saan kombinasyon ito ng purong ethanol at purong hydrocarbon. Maari nating tignan din ito bago tayo magdepende sa mga electric vehicles.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *