Toyota CEO: “Matatagalan pa ang Electric Vehicles Kaysa sa Nakikita Natin sa Media.”

Sa maniwala ka man o sa hindi, ang Toyota, bilang ang pinakamalaking manufacturer ng mga sasakyan sa buong mundo ay may planong panatilihin pa rin ang fossil-fuelled nilang line-up ng sasakyan at iwasan munang gawing fully electric ang kanilang buong line-up. Tila, maraming alalahanin ang Toyota kung gaano kabilis kakagatin ng mga mamimili ang bagong teknolohiyang dala nito.

Patuloy ang paghahanda ng Toyota para sa mga makabagong teknolohiya gaya ng mga hybrid at hydrogen-powered models na hindi rin naman isinasantabi ang posibilidad ng EVs lalo na at marami pang taon na darating. Ito mismo ang sambit ng Toyota CEO na si Mr. Akido Toyoda isa ring ex-racer at apo ni Mr. Kiichiro Toyoda na siyang founder ng Toyota kaya naman hindi maipagkakaila na alam niyang mas maraming nabebentang sasakyan ang Toyota bukod sa lahat.

Sa kabilang dako, maingay na rin ang usapan ng mga ahensyang pangkalikasan pagdating sa mga EVs. Sa Sierra Club, sinabi ng spokesperson for green technology na hindi talaga environmentally friendly kahit ang mga hybrid na sasakyan dahil gumaagamit pa rin ito ng gasolina pagdating sa pagchacharge ng baterya nito. Nanindigan rin naman si Akido na, “Sa totoo lamang, magiging sobrang hirap makamit ang pagbebenta na lamang ng EVs sa 2035 at para itong mga fully autonomous cars na dapat minamaneho na natin ngayon”. Binigyang-diin rin niya na maaring madaming maiwan silang mamimili kung magiging mabilis ang paghakbang nila sa EVs.

Ayon naman sa mga kritiko, mababa rin talaga ang iniinvest ng Toyota sa electrification na halos USD28 bilyon lamang kumpara sa Ford na halos doble ngunit nakalimutan din nila na halos dalawampung taon na nila itong ginagawa. Kahit na ilang dekada na, hindi pa rin kumbinsido si Akido sa electric cars. Para sa kanya, ang mga bagay tulad ng pag-laan ng mga charging stations sa mga pampubliko at pribadong mga gusali, oras na kakainin ng pagpuno ng baterya, kakulangan ng mga materyales sa pagpapalit at paggawa at marami pang iba ang tunay na kailangan pang mas bigyan ng pansin bago ang lahat.

Sinasabi nila sa atin na kinakailangan natin magsakripisyo at umambag sa ikababalik at ikaaayos ng ngayong sitwasyon natin na global warming ngunit sila mismo, ang mga “eksperto” ay hindi man lamang inaral ang EVs at ang mga posibleng dulot rin nito sa kasalukuyang sitwasyon. Baka kapag lumaon, isa lang pala itong usapin ng “social status” kung saan kapag meron ka nito, isa ka nang valid na miyembro. Parang relihiyon hindi ba?

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.