Suspensyon Ng “No-Contact Apprehension” – Payag Kayo?

Nagsimula na ulit ang Face-To-Face classes sa iba’t ibang paaralan sa Kalakhang Maynila netong Agosto dahil na rin sa halos balik-normal na sitwasyon mula sa COVID-19. Karamihan rito ay ang mga estudyante na halos nagsimula at magtatapos ng kanilang pag-aaral sa elementarya at sekondarya gamit ang online at modular learning activities. Kaugnay rito ang muling pagbigat ng trapiko sa lansangan.

Nauna na ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bagong number coding scheme noong Agosto 18,2022 para na rin sa paghahanda sa simula ng pasukan ngayong linggo. Ngayon naman ay iminumungkahi ng Land Transportation Franchising and Regultory Board (LTFRB) sa MMDA ang pagsususpindi ng NO CONTACT APPREHENSION sa mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep.

Sa sulat ng Department of Transportation o DOTR sa MMDA, “Relative thereto, the undersigned respectfully requests the review on the application of the no-contact apprehension program (NCAP) for public utility vehicles for at least 30 days, particularly on the new routes that will be reopened by LTFRB MC Nos. 2022-067 and 2022-068.”

Matatandaan na binuksan na rin muli ang ibang mga ruta para magamit ng mga PUV lulan ang mga estudyante at mga empleyado na papasok.

Ibig nitong sabihin ay exempted na ang mga PUV sa mata ng mga nagkalat na CCTV ng MMDA sa kalsadahan ng Metro Manila.

(PNA photo by Joey O. Razon) – PTV News

Ayon naman sa statement na inilabas ng LTFRB, “Sa pakikipag-usap sa DOTr, tiniyak naman ng MMDA na hindi mahuhuli ang mga naturang PUV dahil walang CPC para sa mga rutang binuksan. Bukod diyan, exempted ang mga PUV sa number coding scheme ng MMDA. Pero iginigiit ng MMDA na hindi exempted ang mga PUV sa paglabag sa mga batas-trapiko at tinitiyak nila na mananagot ang mga pasaway na PUV driver sa kalsada. Dinagdag nito na lahat ng CPC violations ay ipapadala sa LTFRB para sa karampatang aksyon.

“Pinapaalala naman ng LTFRB sa mga PUV driver at operator na pinapayagang bumiyahe simula bukas na sumunod sa mga alituntunin ng LTFRB na nakasaad sa kanilang mga prangkisa o provisional authority (PA). Ang sinumang lalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusa tulad ng pagkansela ng kanilang CPC, SP, o PA.”

Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa ating mga drayber?
Sa pangkalahatan, makatutulong ba ito sa lagay ng kasalukuyang trapiko?

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.