Sobra-Sobrang Metal Sa Daan

Click here to read this article in English. 

Ipinapanukala ng ating Automologist na si Harold na magpatupad na ng sapilitang “carpooling”, tigilan na ang paggamit ng ‘wang-wang’, pabilisin ang paggawa ng mga imprastraktura para sa mga pampublikong transportasyon at pagbabago ng pananaw ng mga mananakay.

PANAHON NA NAMAN NG KAPASKUHAN, asahan na natin ang buhol-buhol na lagay ng trapiko sa daan na tila normal na sa Pilipinas kahit walang okasyon. Sinisira ng malalang lagay ng trapikong ito ang dapat sana’y produktibong ekonomiya ng bansa, magandang imahe nito sa mga karatig bansa at pinapahirapan ng todo ang buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Kung titignang mabuti, PITUMPU’T LIMANG PORSYENTO (75%) NG MGA SASAKYAN AY MAYROON LAMANG ISANG TAO SA LOOB NITO! Kaya mapapatanong ka na lang talaga kung bakit ang laki ng metal na bitbit niya sa kalsada? Bakit walang laman ang 3-4 na libreng upuan sa sasakyan nito? Pagkatapos ay siya pa tong magsasabi na, “Grabeng traffic naman ito!”. Hindi ba’t maikokonsiderang isa siya sa dahilan ng trapikong nararanasan niya?

BAGUHIN NA NATIN ANG ATING PAG-IISIP, KUNG MAARI LANG. Naisip mo bang tila panahon na para tigilan ang paulit-ulit na pagpapaayos at pagpapagawa ng mga kalsada? Panahon na para ihinto ang pagbebenta ng mga sasakyan at simulan na ang sapilitang ‘carpooling’ at ipagbawal na ang mga kotse kasama na ang mga taxi, TNVS gaya ng Grab pati na rin ang mga government vehicles na mayroong kulang sa apat (4) na pasahero ang sakay sa mga abalang siyudad sa bansa. Sa halip ay palitan ang mga ito ng maayos na railway transportation, malimit na mga bagon (3 minutong pagitan) para sa PNR, MRT at LRT, mas maayos na bus system, point-to-point na mga UV Express, mas maaasahang pampublikong mga dyip at pagpapalawak sa disciplinado at ligtas na paggamit ng motorsiklo at bisikleta.

Para sa mahal nating Presidente, kung maari lang ay pakibilisan ang iyong ‘Build, build, build’ Program at isang mensahe para sa mga humaharang at nagpapabagal dito, lumipat na lang kayo sa mga lugar kung saan may mga Abu Sayyaf at NPA!

 

HAYAAN NATIN ANG ATING MGA OPISYAL NG GOBYERNO ANG MAGSIMULA NITO DAHIL BINABAYARAN NATIN SILA BAKA NAKAKALIMUTAN NILA! Paano nasisikmura ng mga politiko at mga ‘VIP’ na ito ang gumamit ng wang-wang para maging prayoridad sa kalsada na pagmamay-ari ng taong-bayan? Parusahan natin sila! HINDI KARAPAT-DAPAT IBOTO ANG MGA POLITIKONG GUMAGAMIT NG ‘WANG-WANG’ UPANG MAKAIWAS SA REYALIDAD NG PROBLEMA NG SITWASYONG PANTRAPIKO SA BANSA.


Sa totoo lang, hindi rin naman talaga kaya matugunan ng gobyerno ‘lamang’ ang malawak na problema sa trapiko ng bansa. Oo, kinakailangan mabago na ang mga bulok na polisiya at magtatag ng mga bagong batas, bilisan ang pagpapaayos at gawa ng mga imprastraktura ngunit higit sa lahat ay ang pagbabago ng pananaw ng madla sa sitwasyon ng bansa. Una, sumunod tayo sa mga itinakdang batas sa kalsada. Isuplong natin ang mga traffic violators pati na rin ang mga sasakyan na wala sa tamang parking at mga mananakay na hindi marunong sumakay sa itinakdang lugar gamit ang makabagong teknolohiya ngayon at iwasan ang di makataong pagtrato sa iba habang nasa daan.

Kung hindi tayo kikilos ngayon, edi kalian pa? Kawawa ang mga susunod na henerasyon dahil sa kapabayaan natin sa pagkilos at pagbabago!

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.