Sasakyan Na Gawa Sa Pilipinas Mismo?

Naalala pa ng Automologist na si Harold ang panahon ng kalakasan ng paggawa ng mga sasakyan dito mismo sa ating bansa at hanggang ngayon ay nangangarap na muli itong maibalik!

Bihira na lamang ang mga taong makakaalala o makatatanda ng mga kotse at mga bus na dito mismo gawa sa Pilipinas (iba pa rito ang mga natatanging pampasaherong jeep) ngunit alam mo ba na tayo nakagagawa na rito nyan sa Pilipinas mula noon pang 70-taon ang nakalipas?

Nakagawa na tayo ng maraming commercial vehicles at B-segment cars ngunit kakaunti lamang ang nakaalam nito. Maari ka rin magulat sa lawak ng historya ng pagbuo ng mga sasakyan nating mga Pilipino na sa katunayan ay natapatan o nakahigit pa sa mga bansang Thailand at Indonesia noon.
Ito ang ilan sa mga sasakyan na Pilipino mismo ang gumawa:

Mitsubishi Motors

Ang Mitsubishi Motors Philippines Corporation o MMPC na nagsimula noon bilang Chrysler Philippines at ang pinakamatandang local automotive manufacturer sa bansa na naitatag noong 1963. Ang MMPC ay gumagawa ng mga sasakyan na matatawag na nating iconic. Ang una nitong gawa ay ang Colt Galant at Galant Sigmas naman noong dekada-80.

Tatlong uri rin ng Pajeros ang ginawa rito sa atin: ang una hanggang sa pangatlong henerasyon ng kilala sa tawag na Intercooler at Fieldmaster noong 90s hanggang 2000s. Nariyan din ang Cimarron, ang ninuno ng sikat na L300. Pasok din sa listahan ang Adventure na kinalaunan ay nahinto na rin sa produksyon.

TOYOTA

Mayroon dalawang kompanya na nagsasagawa ng mga sasakyan na Toyota: Ang Delta Motors at ang Toyota Motos Philippines (TMP) Inc. Mula noong naitatag noong 1962, ang Toyota Corona at Corollas ang unang mga inilabas na modelo. Ang Cressida at Crown na kabilang naman sa mga luxury cars ay dito rin binuo. Toyota Philippines ang isa sa mga pinakaunang gumawa ng pampublikong mga sasakyan sa buong Asya gaya ng Tamaraw (na kalaunan ay natalo ng Ford Fiera), pati na rin ang Delta Mini Cruiser.

Noon namang 1989, lumabas ang unang gawang-kotse ng TMP na isang semi-knocked down nay unit, ang 8th generation na Crown. Sa mismong araw di na iyon lumabas ang Toyota Lite-Ace na isa ring semi-knocked down yunit. Mas maliit na katawan naman para sa Corolla ang sumunod na inilabas matapos ang ilang buwan.
Sinundan ito ng dalawang henerasyon ng Corona, ang pang-apat hanggang sa panlimang henerasyon ng Camry, tatlong henerasyon ng Corolla na naging Altis at ng Revo at ilan pang henerasyon ng Hilux at HiAce.

HONDA

Hindi man kasing agresibo na manufacturer gaya ng Toyota at bilang isang baguhan noong Oktubre 1990, naging paborito na rin ng mga Pinoy ang mga kotse mula sa Honda Cars Philippines Inc. (HCPI).
Ang ikaapat at ikalimang henerasyon ng Honda Civic o kilala rin sa tawag na EF ng mga enthusiasts ay gawa rin sa Pilipinas. Bukod pa riyan ang ikaanim na henerasyon ng Accord na rito rin ginawa. Ang unang dalawang henerasyon ng Honda CR-V ay dito rin inassemble at magpahanggang sa ngayon ay ginagawa pa rin sa Honda planta sa Sta. Rosa na aabot na sa dalawampung taon.

ISUZU

Nagsimula ang paggawa ng Isuzu ng mga sasakyan sa AUV. Dito ginawa sa ating bansa ang KC20 bilang kapalit ng GM Harabas. Kinalaunan, ginawa na rin dito ang Gemini.

Sa pag-usbong ng KB-series na mga pickup ay ang paglabas rin ng Highlander laban sa Tamaraw FX. Sumunod na rin ang Fuego noong 1998 at ang Crosswind noong 2001.

NISSAN

Ang local na asembleya ng Nissan ay nagsimula noong panahon ng Datsun kung saan ginawa ng Universal Motors Corporation (UMC) ang 200C Sedan o kilala rin bilang Cedric sa Japan. Ilan pang Datsun gaya ng 180B ang local na ginagawa na kinalaunan ay tinawag na ring Nissan sa bansa.

Ang UMC ang gumawa ng mga komersyal na sasakyan ng Nissan gaya ng Eagle, Frontier, Frontier Bravado, Urvans at Patrol Safari.

Matapos sa mga komersyal na sasakyan ay nagpokus na lamang ang UMC sa paggawa ng mga kotse gaya ng Stanza, Pulsar, Maxima, limang henerasyon ng Sentra, Cefiro, dalawang henerasyon ng X-Trail, Livina at Serena.

FORD

Hininto na na ng Ford ang ilang dekada nilang paggawa ng sasakyan sa Pilipinas mula noong 2012. Dito ginawa nila ang mga full-sized LTDs na karamihan ay walang V8 na makina. Sinundan ito ng Escort at Cortina noong 80s at ang hindi makalilimutang Fiera, ang pinakaunang AUV sa bansa.

Noong kalagitnaan ng 2000s, ginawa ng Ford ang Escape at ikalawang henerasyon ng Lynx at Focus Ghia. Dahil doon, ang Focus at Escape na ang huling gawang-Pilipino Fords dahil na rin sa pagdating ng mga gawang-Thailand.

GENERAL MOTORS

Alam mo ba na ang unang henerasyon ng Chevrolet Camaros ay dito ginawa sa Pilipinas? Isang malaking assembly powerhouse ang General Motors noong araw na gumawa ng Buicks, Pontiacs at Opels na gawa ng Yutivo Sons Hardware Corporation.

Ilan din sa mga ito ang Buick Electra, Pontiac Parisienne, Vauxhall Victor and Viva, Opel Rekords, ilan sa mga Holdens, pati na rin ang Torana na isa sa mga pinakapopular na modelo noon.

VOLKSWAGEN

Ilan sa mga kilalang modelo ng Volkswagen na ginawa rito ay ang Kombi at Beetle na dating SKD at ginawang CKD. Nariyan din ang Brasilia, Passats, Sakbayan na ginawa ring fleet vehicle ng PLDT at ang Trakbayan na binase ang floorpan sa Beetle.

MERCEDES-BENZ

Oo, hindi ka nagkakamali! Mayroon ding Mercedes-Benz sa Pilipnas. Habang kilala ang UMC na kapartner ng Nissan noong 1955 hanggang 1970, ay isa rin ito sa mga importer ng mga mamahaling sasakyan. Sa katunayan, ang mga iconic models gaya ng Ponton at Fintail ay dito ginawa.

Umusad na ang UMC sa Nissan ngunit ilan sa kanila ay nananatili pa ring parte ng pagsasagawa ng mga Mercedes-Benz. Nagbunga ito sa Commercial Motors na siyang naglabas ng W114/W115 Mercs. Kinalaunan ay ginawa na rin nila ang W123, parehas na nasa SKD at CKD kits hanggang noong dekada-80.

BMW

Bagamat maliit lamang ang manufacturing ng BMW noong dekada-90 ay dito nila ginawa ang E36 3 Series. Noong nagkaroon ng krisis ay nahinto na ang produksyon nito sa 2,135 na magandang numero pa rin para sa isang locally assembled luxury car.

VOLVO

Ang 850 series ng Volvo noong 90s ay dito rin ginawa sa atin. Gaya ng BMW 3 Series, ang Volvo 850 ay isang semi-knocked down yunit na gawa sa planta ng Star Motors sa Sta. Rosa, Laguna.

Ano na lamang ang ginagawa rito sa Pilipnas ngayon?

Kahit na unti-unti nang nangamatay ang lokal na produksyon (sisihin ang mga labor union na pumatay dito), mayroon pa rin namang iilang mga kotse at trucks na assembly line ang gumagawa ng mga ito. Halimbawa na lamang ang Toyota na gumagawa ng libong Innova at Vios, Honda na dalawampung taon na nagbubuo ng Honda City, Foton na gumawa ng set up shop sa Clark kung saan doon inaassemble ang Toplander at ang Hyundai na nagtatapos ng semi-knocked down yunits ng Eon at H350. Sa Isuzu naman, patuloy pa rin ang pag-aassemble ng D-MAX at Mirage at Mirage G4 naman para sa Mitsubishi.

Maibabalik pa kaya ang araw ng kasikatan ng Pilipinas sa paggawa ng mga sasakyan? Nasa gobyerno ang desisyon. Gobyerno ang siyang magdidikta sa industriya. Hinahamon ko ang mga ekonomista na tignan ang potensyal na ito. Nasa atin ang mga tao, ang galing at ang ilan sa mga makinarya. Ang tanong, kaya pa ba?

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.