Saan napunta ang mga PLASTIC CARD LICENSES?
Dahil sa kakulangan ng plastic cards, isinagawa ang “Papel Muna” o sariling printouts ng mga bagong driver’s license. Ito ay plano na raw ng LTO (Land Transportation Office) noon pang Disyembre 2022 at marami na ring umalma ukol dito. Itong nasabing kakulangan ay nararanasan din sa iba’t ibang bansa at hindi ito ang unang beses na nagkaroon sa pag-imprinta ng mga papel.
Ayon kay Senator Grace Poe: “In 2017, we pushed for the passage of the law extending the validity of driver’s license to five or 10 years to incentivize our drivers, cut red tape and give them an identification card they can conveniently use for official transactions”.
Saad naman ni Agri. Partylist Rep. Wilbert T. Lee na huwag nang dagdagan pa ang gastos sa nasabing papel dahil ito ay pansamantala lamang. Sapat na ang OR o Official Receipt at QR Code o Quick Response barcode para sa balididad. Madaragdagan din ang bisa nito para sa mga malapit nang mapaso simula noong ika-24 ng Abril hanggang Oktubre ngayong taong 2023.
Sa kabilang banda, tatanggalin na rin ang periodic medical exam. Sanhi ng road crash ay dahil sa nakainom, distracted habang nagmamaneho, overspeeding, road and weather conditions at wala sa kanilang record na resulta sa medical exam ang dahilan na isinaad ng Chief, Land and Transportation Office na si Asec. Jose Artiro “Jay Art” Tugade.
Mahigit 147,000 na lamang ang natitirang plastic cards simula hanggang katapusan ng Abril at ang dahilan kung bakit hindi makapag-restock ay dahil nasagad na ang nito ang mga pasobra nila noon dagdag pa ang kakulangan at hirap ng pagkuha nito sa ngayon mula sa ibang bansa. Ani ni Tugade na ito’y kanilang sinosolusyonan upang mapabilis ang proseso sa tulong ng head ng DOTr at HOPE (Head of Procurement Entity).