Pinakabatang Babae Na Nakalipad Sa Buong Mundo Sa Loob Lamang Ng Kalahating Taon
Si Automologist Kathleen minsan ay nangarap na ikutin niya ang buong mundo sakay ng isang solong aeroplano, hanggang pangarap nalng yun.
Litrato ng British-Belgian teenage pilot na si Zara Rutherford kasama ang kanyang Shark Ultralight hawak ang Belgian at British flags matapos ang kanyang maayos na pagbabalik netong January 20,2022. (Litrato mula kay John Thys / AFP)
Isa na namang record-breaking moment ang inihandog ng isang babaeng 19-year old British-Belgian pilot para sa mga kababaihan matapos niyang matiwasay na makabalik mula sa kanyang 32,000-mile round-the-world trip nang mag-isa gamit ang isang solo aircraft Shark Ultralight.
“It was very difficult but very rewarding,” she said.
Pagkalapag niya sa airfield ay sinalubong na siya agad ng mga journalists at ng kaniyang pamilya matapos ang halos limang buwan mula noong lumipad sya noong Agosto 18, 2021.
“It’s very strange being back here. I’d like to do nothing next week. It was harder than I imagined,” ani niya.
Ayon sa kanya, ang pinakanakatatakot na parte ng kanyang paglalakbay ay ang pagtawid sa napakalawak na lupaing yelo ng Siberia sa bansang Russia kung saan bumababa ang temperature hanggang minus 30 degrees Celsius o -22 degrees Fahrenheit.
“I’d be going hundreds and hundreds of kilometers without seeing anything human — I mean no electricity cables, no roads, no people — and I thought ‘if the engine stopped now I’d have a really big problem’,” wika niya.
Ang pag-ikot sa mundo gamit lamang ang isang 325-kilogram na single-propellor plane ay ganoon na lamang kahirap kung ating iisipin sapagkat sa reyalidad rin ay hindi ito maaring lumipad sa gabi at kinakailangan namang umiwas sa mga ulap upang hindi ito bumagsak.
Kinailangan niyang lumapag sa Dubai nitong buwan lamang dahil na rin sa banta ng malakas na bagyo na paparating roon at tatlong lingo naman siyang namalagi sa Ayan o isang bayan sa Russia noong Nobyembre dahil sa lagay ng panahon doon.
Bukod sa lagay ng panahon na pangunahing pagsubok sa ganitong gawain, nakadagdag pa ang problema sa mga paghihigpit na dala ng pandemya. Ilang beses kinailangan magpaRT-PCR ni Rutherford at tumuloy sa mga hotel alinsunod na rin sa mga patakaran sa bawat bansang kanyang napuntahan.
Kinailangan syang harangin sa China at umikot para maiwasan ang North Korea na naglagay sa kaniya sa anim na oras na paglipad sa ibabaw ng karagatan.
Bitbit ang katapangan at camera, lahat ng detalye sa kanyang paglipad ay nadokumentado nitong si Rutherford na talaga namang hindi matatawarang karanasan. Nakita niya ang Statue of Liberty mula sa himpapawid, nasaksihan ang pag-launch ng SpaceX sa California, nahumaling sa ganda ng Colombia, namangha sa iba’t ibang anyong-lupa ng Saudi Arabia at makakita mismo ng nag-iisang bahay sa gitna ng isang nagyeyelong karagatan sa Icelandic Island.
“I’ve been through some stuff. So many countries, so many kilometers, but every single one was amazing,” sabi niya.
“It will be very strange to not have to fly every single day anymore — or try to fly every single day,” wika pa niya.
Sa katunayan, hindi siya ang pinakaunang bata na nakalipad sa buong mundo gamit ang isang solo aircraft. Hawak ng 18-taong gulang ng Briton na si Travis Ludlow ang world record neto lamang Hulyo 2021.
Ngunit kapag napatunayan sa Guiness World Records, si Rutherford ang masasabing pinakabatang babae na makakakuha ng titulong ito kapalit ng noo’y 29-taong gulang na Afhgan US pilot na si Shaesta Waiz noong taong 2017.
Hinihikayat ni Rutherford ang mga kapwa niya batang kababaihan na huwag matakot tahakin ang landas ng aviation kung saan nakararami ang mga kalalakihan- teknolohiya, science at engineering. Pinatunayan niya ito gamit ang kanyang paglalakbay kung saan nagawa niya ring malagpasan ang kanyang takot at pangamba na ang kanyang pangarap ay masyadong mahal, delikado at komplikadong maituturing.
Walang pangarap na maliit o malaki kung ito ay panghahawakan at sisikaping abutin.
“I want to encourage people to do something crazy with their lives — to go for it,” dagdag niya.