Panahon Na Bumalik Sa Kabayo At Bisikleta

Inaalala ni Automologist Harold na baka makasurvive nga ang lahat sa COVID ngunit hindi sa lumalalang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Aminin natin na lahat ay takot sa COVID. Ito ang palagiang paksa ng mga usapan mula sa balita, opisina, kainan hanggang sa loob mismo ng tahanan ng bawat pamilya. Naging dahilan rin ito upang makalimutan ng ilan sa atin ang ilan sa mga importanteng balita at kalagayan gaya ng pagsasara ng maraming mga negosyo, pagkawala ng maraming trabaho, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at ang halos 14 trilyon na halaga ng mga ari-arian at oportunidad na nawala sa loob ng halos dalawang taon.

Sa lahat ng usaping ito, hayaan ninyo akong mag-pokus sa tila hindi nabibigyang pansin na malalang pagtaas ng presyo ng petrolyo. Noong 2019, bago pa tayo tamaan ng pandemya, ang karaniwang presyo ng gasolina dito sa Pilipinas ay naglalaro lamang sa 40-50 pesos kada litro. Ngayon, pumapatak na ito sa 60-70 pesos kada litro na kung susumahin ay halos 40% na pag-angat sa loob lamang ng 22 buwan!

Kung paniniwalaan ang COVID forecaster na Octa Research Group, sa loob ng dalawang pang taon, inaasahang tataas pa ito ng halos hanggang P 100 kada litro. NAKAKATAKOT. Malaki ang nagiging tama ng presyo nito sa pangkalahatang inflation rate ng bansa. Talagang mapapaisip ka na lang kung pwede pa bang ibalik na lamang ang panahon kung saan kabayo at bisikleta lamang ang makikita sa daan.

Sa kabilang dako, ang nakaaapekto sa presyo ng pagtaas ng petrolyo ay ang halaga ng piso at internasyonal na presyo ng langis. Ang Pilipinas ay mapalad na stable na ang halaga ng peso kumpara noong bago kasagsagan ng COVID-19 noong 2019 ngunit hindi ang petrolyo.

Sa katunayan, ang presyo kada bariles ay nagkakahalaga ng 80 dolyar at nakikita ng mga oil analysts na maari pa itong pumalo sa 100 dolyar kada bariles sa mga susunod pang buwan.

Dahil ba ito sa kagustuhan ng mga oil-producing na bansa makabawi mula sa epekto ng pandemya sa kanilang ekonomiya kaya nila nagagawang itaas ng ganito ang presyo sa maliliit na bansa? O baka naman dahil ang mga oil traders sa Wall Street na naapektuhan sa pagbagsak ng pandaigdigang transportasyon ay dumadagdag din sa bandwagon na ito?

Sinabi sa akin na ang pagsusulat ukol sa isang problema na walang hinahayag na solusyon ay pagiging ALARMIST ngunit ang pagsusulat na may kaakibat na mga maaring solusyon ay pagiging isang CATALYST. Ang manunulat na ito ay magalang na nagmumungkahi ng tatlong P o 3P’s para sa problema sa taas ng presyo ng petrolyo: POLICY RESPONSE, PERSONAL MOBILITY CHANGES at PRODUCT-MITIGATING TECHNIQUES.

Bilang policy response, kinakailangan na ang Department of Energy at Energy Committee ng Senado at Kongreso ay magsagawa ng agarang solusyon sa pagtaas na ito. Maari nilang tignan muli ang Oil Price Stabilization Law kung kinakailangan.

Bilang personal mobility reform, naniniwala ako na mas kinakailangan na ng tao ang mga sasakyang mahina kumonsumo ng gasoline gaya na lamang ng mga may-ari ng mga sasakyan na mayroong 8 cylinder 5.7 liter engine ay gamitin na mas madalas ang kanilang 4-cylinder 1.5 liter engine displacement cars. Ang ilan ay maaring gumamit ng motorsiklo o di kaya naman ay bisikleta na siguradong hindi gumagamit ng gasolina.

Panghuli, bilang product-mitigating response, mayroon isang produkto na napatunayan na nakapapagpapababa ng konsumpsyon ng gasolina at diesel ng halos 10-15% at iniinendorso mismo ng NASA – ang X-1R ENGINE TREATMENT, X-1R PETROL DECARBONIZER AT DIESEL DECARBONIZER. Ang mga ito ay mabibili sa mga car dealerships sa buong bansa at milyong Filipino na ang gumagamit nito. Kung hindi mo makontrol ang pagtaas ng presyo, doon ka sa sa kahit papaano makapagbabawas ng konsumo mo.

Sa ibang problema pang nabanggit ko sa unahan nito, hayaan natin ang mga economic managers at mga kumakandidato sa darating na halalan na ang gumawa ng solusyon.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.