Pagbubukas ng Skyway 3 ngayong Magpapasko – Isang buwan na Libreng Toll

Read this article in English

Ang ating automologist na si Harold ay hinihimok ang mga tao sa paggamit ng ‘cashless transactions’ sa pagdaan sa mga toll gates at kasama dito ay ang paggamit na lamang ng mabilis at mas modernong RFID o Plate Number Recognition System at pagtatalaga ng karampatang multa sa mga drayber na magdudulot ng kasikipan sa mga pasukan at labasan sa tollway.

Ang kalsada ng Kamaynilaan ay nabakante simula noong naglockdown ang Pilipinas dulot ng pandemya ngunit habang unti-unting nagsisimula na ulit ang mga negosyo, nagsisimula na rin sumikip ang daloy ng trapiko.

Magandang balita pa rin and maagang pagtatapos ng kinakailangan at inaabangang Metro Manila Skyway Stage 3 Project (Skyway 3) na isang 18-kilometer elevated expressway na nagkokonekta sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX). Kung aayon sa plano, magiging 20 minutos na lamang ang byahe mula Susanna Heights sa Muntinlupa hanggang Balintawak sa hilaagang Metro Manila at 15 minutos mula NAIA hanggang Balintawak.

Isa itong magandang balita para sa mga motorista na matagal nang nagtitiis sa buhol-buhol na trapiko sa Maynila. Sa mas pinadaling pagkonekta ng Timog at Hilagang Metro Manila, masasabi rin na ito ay alternatibong daan sa EDSA at sa walong access points na nagkokonekta sa Makati, Manila, San Juan, at Quezon City. Kabilang sa mga access points na ito ang Buendia, Plaza Dilao, Nagtahan, Aurora Blvd, Quezon Ave., Sgt. Rivera, Balintawak, at NLEX.

Ang Skyway 3 ay opisyal na magbubukas sa mga motorista ngayong Disyembre at ito ay magbibigay ng libreng toll sa buong buwan ayon mismo sa gumawa at namahala ng proyektong ito na San Miguel Corporation. Sinabi rin nila na halos isang taon na rin mula nung bahagyang buksan para sa libreng gamit ng publiko ang Buendia hanggang Plaza Dilao section ng Skyway 3.

“Masayang-masaya kami sa proyektong ito dahil makapagbibigay talaga ito ng ginhawa sa maraming buhay lalo na ngayon na unti-unti nang umuusad ang ekonomiya at dumadami na ang mga sasakyan sa daan. Gusto natin na makinabang ang mga Filipino sa ginhawang dulot nito,” wika ni Ramon Ang, SMC President. “dahil kami rito sa SMC, ay pinondohan, ginawa at tinapos ang Skyway 3 na walang hininging kahit ano mula sa gobyerno.”

Ang pagpapatotoo sa pananaw na ito ay hindi naging madali. Dinagsa ito ng maraming pagsubok sa loob ng anim na taong pagbuo rito: mula sa right-of-way issues, mga pagharang ng gobyerno, sa mga pagbabago sa disenyo hanggang sa kung paano magiging mas kapaki-pakinabang ito sa pag-ikli ng oras ng byahe at pagpapaluwag sa daloy ng trapiko.

Bago pa sirain ng di makatwirang pagsisikip ng pasukan at labasan sa mga access points, nararapat ding ipatupad ng SMC ang permanenteng pag-alis ng cash payments at toll booths at gamitin na lamang ang mas mabilis at mas maayos na teknolohiya ng RFID gaya ng ginagamit sa Japan o mas maganda kung license plate recognition system gaya noong sa Singapore at higpitan ang pagbabantay sa balanse nito na magreresulta sa malaking multa kapag sila ay nakapagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.