Pagbibigay ng Bibliya, Shotgun at Watawat sa mga Car Dealerships: Maari rin kaya sa Pilipinas?

Ibinahagi ng isa nating Filipino Automologist na si Harold ang mungkahi ng kanyang anak upang mapataas ng benta ng mga kotse sa Pilipinas.

Sumagi sa isipan ng anak kong nakatira sa “gun ridden” na estado ng Texas sa America na “Bakit hindi natin dalhin sa Pilipinas ang ganitong sistema ng “marketing promotion?” gaya na lamang sa pagiging viral ng Alabama Car Dealer na sa bawat pagbili ng isang sasakyan ay maari silang magkaroon ng Bibliya, isang Shotgun at Watawat ng Amerika.


Noong una, ang akala ko ay isa lamang itong promotional stunt upang maipakita ang pagiging makabansa ng nasabing car dealership ngunit hindi ko lubos akalain na totoo pala ang lahat ng ito. Ang programa ay pinangalanan nilang, “God, Guns and Freedom” at hindi nga naglaon ay kumalat at nagdulot ng biglaang pagtaas ng benta ng kanilang mga sasakyan.

Kaugnay ng malaking balitang ito, binisita ng malalaking news organizations gaya ng CNN, Fox News, Newsweek at USA Today ang naturang car dealership at masayang ibinahagi ng General Manager nito na si Koby Palmer ang kanyang labis na pagkatuwa sa kakaibang ideyang ito ng kanyang grupo at winika niya, “Dito sa Alabama ay God-fearing ang mga tao at mayroong matatag na nasyonalismo idagdag mo pa ang kawilihan ng mga ito sa hunting”.

Ang kampanyang ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga sumusuporta at mga kritiko nito. Depensa naman ni Palmer na iniaalok lamang ang 12-gauge shotguns sa mga sertipikadong gun owners na bibili ng sasakyan at hindi sa kung sino-sino lamang at hindi rin naman sapilitan ang pagbibigay ng bibliya at watawat.

 

Ayon pa kay Palmer, “Ang pagiging makabayan natin ay hindi pamumulitika, hindi naming ipinipilit ang gaming paniniwala sa sinuman. Nirerespeto naming ang sinumang hindi sumasang-ayon.”

Ang mga balita sa kampanyang ito ay umani rin ng suporta rito mismo sa Pilipinas lalo na sa mga loyalista ng kasalukuyang administrasyon. Maaring ang watawat at baril ay pumasa kay Presidente Digong Duterte ngunit ewan ko na lamang sa pagbibigay ng Bibliya.

Sa opinyon ng mga kritiko, “Dios at Baril? Diyos at Kalayaan? At, Baril at Kalayaan?”,prarang hindi bagay ang pagsama-sama ng mga katagang ito.

Tama man o mali, sa aking palagay, malaki ang posebilidad ng ganitong programa sa Pilipinas? Ikaw? Sang-ayon ka rin ba?

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.