OVERLOAD! Magugulat ka sa kayang dalhin ng isang sasakyan.

Source: msn.com

Kung ikaw ay isang Bollywood fan, sigurado kaming maaalala mo ang eksenang ito ni Shah Rukh Khan na sumasayaw sa taas ng isang tren sa tugtog ng Chaiyya Chaiyya, kasama ang ilang grupo ng mga tao. Narito ang ilan sa mga litrato ng mga OVERLOADED na sasakyan na maaring weird sa unang tingin ngunit nakakatawa rin sa isang banda. Nasa listahan kaya ang transportasyon natin dito sa Pilipinas?

1. Heavy-duty Truck, Sahara

Source: boredpanda.com

Ito ang litratong amoy mo na agad, unang tingin palang. Kakayanin mo bang tumira sa malawak ngunit mainit na disyerto ng Sahara gamit ang transportasyon ito?

2. Tren sa Bangladesh

Source: boredpanda.com

Naranasan mo na bang magreklamo ng paulit-ulit sa araw-araw na siksikan sa pamamasahe papunta at pauwi galing sa iyong trabaho? Tignan mo ang larawang ito ng isang tren sa bansa ng Bangladesh. Dinaig pa nito ang Zombie Apocalypse sa mga pelikulang napapanood mo. Huwag na makipagsiksikan sa loob dahil maari pang sumakay sa bubong ng tren na ito

3. PNR Man

Yes! Hindi ka nagkakamali sa nakikita mo dahil Philippines is on this list! Kilalanin ang tinaguriang PNR (Philippine National Railway) Man ng Pilipinas. Sa sobrang siksikan sa loob ng tren ay nagawa na ng lalaking ito na umakyat sa taas ng handrail upang makaiwas sa init at siksikan sa loob ng tren. Kitang-kita ang pagkamatiisan at diskarte ng mga Pilipino. Nakakatawa oo ngunit hindi maikakailang salamin din ito ng malalang lagay ng mass transportation sa bansa.

4. Truck ng Wheat, Pakistan

Source: msn.com

Normal lamang sa bansang Pakistan ang pagbabyahe ng wheat o trigo gamit ang mga truck ngunit ang kaibahan ay ang hirap sa pagmamaniobra nito lalo na sa mga hindi patag at palikong mga daan kung saan pumapasok ang pagbabayanihan ng mga tao upang mano-manong hilahin at hatakin ang malaking truck para lamang makarating ang karga nito sa kanyang detinasyon.

 

5. Coconut Shell Tut Tut, India

Source: chinadaily.com.cn

Ang paraan ng pagbabyahe ng mga coconut shells gaya nito sa India ay tunay na kakaiba. Ang isang tricycle na gaya nito ay kayang magdala ng ganito karaming coconut shells. Mukhang mahirap hindi ba? Paano pa kaya ang hirap ng mga kasalubong at kasabay nito sa daan?

6. Water Bicycle in Shanghai, China

Source: amusingplanet.com

Ang litratong ito ay mula sa Shanghai, China kung saan ang mga trabahador ay nagkakarga ng ganito karaming gallon ng tubig gamit lamang ang iisang bisikleta. Kung kaya ng isang bisikleta ang ganito karami, kaya rin kaya niya ito kung may laman na ang mga gallon?

7. Duck Motorcycle, Vietnam

Source: businessinsider.com

Quack quack! Narito ang litrato ng isang lalaki habang dala ang isang lupon ng mga bibe patungo sa palengke sa bansang Vietnam. Maniniwala ka bang hindi lamang manok at bibe ang kaya nilang dalhin gamit lamang ang isang motorsiklo? Tignan ang mga susunod na litrato na siguradong gugulat sa’yo.

Paniguradong hindi matutuwa ang mga animal lover sa mga ito.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *