Ms. MIAS 2023 Kasama Ang X-1R PH
Ms. Pfeona Jose Ms. MIAS 2023 from Peugeot Hall with the Inquirer Mobility Team and X-1R PH Executives
Matapos ang dalawang taong pagkahinto, muling nagbalik ang Manila International Auto Show! Ang pinakaaabangang automotive event na ito ay nagsimula noong ika-13 ng Abril at nagtapos nitong ika-16 ng Abril 2023 sa World Trade Center sa Pasay City. Ito ay puno ng maraming aktibidad mula sa unang araw kagaya na lamang ng paglulunsad ng mga iba’t ibang dealership ng mga bagong model ng kanilang mga sasakyan. Partikular dito ay ang mga tatak Tsino na nagpapakilala ng kanilang mga bagong sasakyan sa MIAS 2023. Labing-siyam (19) na brands ang naroon kasama ang Ford, Peugeot, Subaru, Mitsubishi, Hyundai, Changan, GAC, Geely, Foton, Chery, Nissan, MG, Chevrolet, BYD at Great Wall. Kasabay ng 20,000 square meters na indoor floor area ay ang 5,000 square meters na outdoor display ng JAC, JMC at iba’t ibang mga brands ng mga parts at accessories ng mga sasakyan. Sa pagitan ng mga display, naroon din ang Guinness World Record Holder na si Russ Swift at kanyang nakamamanghang precision stunt driving show.
Bukod sa mga trade show, maari rin bumili mismo ng sasakyan sa bawat booth ng mga car dealer, kasama na ang mga bahagi at accessories. Hindi kumpleto ang isang automotive show kung walang pagpapakita ng mga naggagandahang kababaihan bilang mga muse ng iba’t ibang brands. Sa pakikipagtulungan ng Inquirer Mobility PH at X-1R Philippines naging possible ang paghahanap sa Miss MIAS 2023 na kaakibat ang tema ng pinakadynamiko ng mga sasakyan na kalahok rito sang-ayon sa kagandahan, elegansya, at kumpiyansa ng mga magagandang modelo mula sa iba’t ibang car distributor sa bansa. Sa labimpitong finalist na nahanay mula sa mahigit sa 100 modelo ng mga sasakyan sa show, ang mga muse ng Foton, Hyundai, at MG ang itinanghal na mga runners-up. Ito ay bunga ng online voting process na ipinatupad sa loob ng apat na araw na show. Si Ms. Pfeona Jose ng Peugeot Hall ang naging Ms. MIAS 2023! Siya ay tumanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng limangpung libong piso mula sa X-1R Philippines, na ipinagkaloob ni CreativeSparx, Inc (Exclusive X-1R Philippine Distributor) President Brixton Aw at X-1R Country Manager Harold Ledda.
1st runner up, Ms. Imari from Foton Hall
2nd runner up, Ms. Chris from Hyundai Hall
3rd runner up, Ms. Grishelle from MG Hall.
Ang malaking pagtitipon na ito ay nakapagsama ng 149,000 na mga dumalo sa loob ng apat na araw na naglampas sa naitalang rekord na 142,000 noong 2019! Sa tulong ng mga taong sumuporta sa kaganapang ito at sa mga kalahok na nasa industriya ng mga sasakyan, malinaw na patunay ang MIAS 2023 na nakabalik na sa normal at marami pang pagbabago at kaganapan na naghihintay sa hinaharap ang buong automotive industry.
Kung nais mong umorder ng anumang X-1R product at makita kung ano ang kaya nitong gawin para sa iyong lumang o bagong sasakyan, maaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng www.facebook.com/X1RPhilippines o tumawag sa amin sa +63 956 809 5284. Narito na rin kami sa Lazmall at Shopee:
www.lazada.com.ph/shop/x-1r-philippines | www.shopee.ph/x1r_philippines