Mga Kakaibang Sasakyan Na Matatagpuan Lamang Sa Piling Mga Lugar Sa Buong Mundo

This article is also published in English and Malay.

Ang mundo ay malaki at malawak. Ang bawat lugar ay mayroongkanya-kanyang maipagmamalaki kasama na rin ang iba’t ibang kakatwang paraan ng transportasyon.

1. BAMBOO TRAIN – BATTAMBANG CAMBODIA


Ang tren na ito na gawa sa kawayan ay isang tourist attraction na makikita sa bansang Cambodia. Bawat ‘coach’ o bagon nito ay minamaneho katulad ng isang bangka na ginagamitan rin ng maliit na makina na kayang tumakbo sa bilis na 50kph. Maraming bagon ngunit mayroon lamang isang riles kaya naman halinhinan ang ginagawa rito. Ang pamasahe rito ay umaabot sa US $5 o P250.00.

2. UPSIDE DOWN TRAIN TRACK – WUPPERTAL, GERMANY

Siguradong nakasakay ka na sa isang rail transport minsan sa iyong buhay pero nakasakay ka na ba sa baligtad na bersyon nito? Ang baligtad na tren na ito ay narito na sa Wuppertal, Germany simula pa noong 1901 o 120 taon na ang nakakalipas. Ito ang isa sa pinakamatandang electric train sa buong mundo na kayang magsakay ng 80,000 na pasahero araw-araw. Nakakamangha, hindi ba?

3. COCO TAXI – HAVANA, CUBA

Ang taxi na ito ay natutulad sa hugis ng isang saging ngunit tinatawag itong COCO TAXI. Kaya nitong magsakay ng hanggang apat (4) na pasahero kasama ang nagmamaneho nito at kilala sa Havana bilang isang mabilis na uri ng transportasyon at di hamak na mas mura sa ordinaryong taxi.

 

4. BARCO DE TOTORA – LAKE TITICACA, PERU


Ang kakaibang disenyo ng barkong ito ay hinalintulad sa ulo ng isang dragon. Ito ay gawa sa pinagtagpi-tagping tambo at ginagamit na simula pa noon. Ginawa ito at magpahanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng mga lokal sa komunidad ng Uros. Ang barkong ito ay hindi nangangailangan ng anumang gasolina kaya siguradong nakatutulong sa kapaligiran, matatagalan nga lang ang pagpunta mo sa iyong paroroonan.

This article was originally published in Bahasa Malaysia here.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *