Meralco Ave. Isasara Para Sa Konstruksyon Ng Metro Manila Subway

Image source: Capitol Commons Facebook Page

Isa ka ba sa motoristang dumadaan sa Ortigas area lalo na sa bandang Meralco Avenue? Humanda ka na sa magiging lagay ng trapiko sa mga susunod na linggo!

Sisimulan na kasi ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project na inaasahang matatapos sa taong 2027. Sa Oktubre 3, hindi na maaring daanan ang bahagi ng Capitol Commons sa Meralco Avenue at ang mga motorista ay binigyan ng alternatibong ruta sa kanto ng Camino Verde mula sa Shaw Boulevard o Captain Henry Javier Street.

Kung talagang madalas ka sa lugar na iyan, maaalalang talagang masikip na ang lagay ng trapiko dahil na rin sa intersection sa may Shaw Boulevard. Ngayon, mas mahaba pang pasensya ang kailangan sapagkat sinabi na hanggang 2028 ang pagsasarang ito.
Ang Metro Manila Subway Project ay 33-kilometer underground railway system na maglalaman ng 17 stations mula Valenzuela hanggang Pasay City. Pangunahing dahilan kung bakit ito ginagawa ay para mabawasan ang oras ng byahe mula Quezon City at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay sa 35 minuto mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto.

This artist’s rendition of the proposed Metro Manila Subway, funded by official development assistance from Japan, was released by the Department of Transportation on Feb. 21, 2019. DOTR.

Image source: Rappler

 

Ayon sa Department of Transportation o DOTR, 1.5 milyon katao ang maaring ilulan nito kada araw. Sana nga ay ito na ang maging solusyon sa pagpapabilis, pagpapagaan ng byahe ng milyon-milyon nating mga kababayan na araw-araw kumakayod para kumita.

Gusto mo bang humaba pa ang buhay ng iyong sasakyan sa panahong ganito na malala ang trapik at kabi-kabila ang aberya sa daan? Baka produkto ng X-1R na ang solusyon dyan! Tumawag lamang sa +63 956 809 5284 o magtanong sa aming Facebook page www.facebook.com/X1RPhilippines o sa inyong Service Advisors para sa mga ito.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.