May Problema sa Transmission ng Sasakyan Mo?

Ang transmission ng iyong sasakyan ay binubuo ng iba’t ibang parte na kinakailangan upang maging swabe ang andar nito. Tunay namang nakakakadismaya kapag pumapalya ito gaya na lamang ng paggawa nito ng mga ingay, pag-uga ng sasakyan, paglalabas nng nasusunog na amoy at iba pa. Ang kadalasan ay mahirap makita kung saan ito talagang nagmumula at maaring ito pa ang pinakamahal na maipagagawa mo para sa tanang buhay ng iyong sasakyan.

Ngayon, sisimulan mo na hanapin kung saan nagmumula ang problema at paniguradong magsisimula ka sa pinakamadali at pinakamurang paraan. Kadalasan, kailangan lamang palitan ang transmission fluid o may kinakailangan lamang takpan na tagas. Ang ilan sa mga ito ay maaring agaran na makita at maresolba ng isang magaling na technician o gamit ang isang computer diagnostic technology.

Kung minsan, may mga problemang hindi kaagaran mapapansin o makikita. Ang paggawang muli ang sunod na solusyon sa problema kung saan kasama rito ang pagbaklas-balik para sa mas mahusay na pag-inspeksyon. Ang mga pyesa na kinakailangan nang palitan ay papalitan at ang matitira ay maaring linisin at gamitin muli. Samakatuwid, isa itong nakakapagod at mahal na gawain.

Kung ang transmission mo ay palagian na lamang nasisira, tulad ng mga doktor sa tao, ipakonsulta mo na iyan sa iyong mga technician o ikaw na mismo ang magdesisyon na tuluyan nang palitan ito; ang huling paraan na ito ay makapagpapababa ng iyong gastos sa paulit-ulit na paggawa at makasisiguradong gumagana ng maayos ang iyong sasakyan.

Ngunit bago ka magdesisyon o sabihin sa technician mo na ayusin o palitan ang iyong transmission, subukan mo munang gawin ang ginawa ni Ray Graham.

Si Ray ay isang Australiyano na nagkaroon ng problema sa kanyang 2015 Audi na sasakyan: “25,000 kilometro pa lamang ang itinatakbo nitong sasakayan ko ngunit nakaramdam at nakarinig na ako ng panginginig lalo na sa tuwing paaandarin ko ito”.

Matapos itong matingnan sa Audi Dealership, hindi nakatutuwang balita ang dumating sa kanya. “Sinabi nila sa akin na kinakailangan ko na raw palitan ang mismong transmission na aabot sa 12,800 USD dahil na rin hindi na raw sakop ng warranty ang sasakyan ko!”

Mula na rin sa aking mga nasabi, simulan natin sa pinakamura at pinakamatipid na paraan kung saan yoon naman ang ginawa ni Ray. Si Ray ay ang CEO ng Burg Design na konektado sa mga car care products at auto electrical accessories sa bansang Australia kaya naman hindi siya sanay na magtapon kaagad ng mga bagay higit ng sasakyan. Nasabi niya, “Bakit hindi natin subukan gamitin ang X-1R Automatic Transmission Treatment?”

Ang mga transmission fluid ay madaling masira dahil na rin sa mataas na temperatura at pressure na nagdudulot ng kawalang-proteksyon sa transmission ng sasakyan. Ang X-1R Transmisson Treatments ay gawa sa espesyal na formula upang mapahinto ang foaming at liquid oxidation na makatutulong sa pagpapahaba ng buhay ng transmission fluid. Ginawa ang ganitong mga treatments para pigilan ang mga di kanais-nais na pangyayari tulad na lamang sa karanasan ni Ray. Ngunit hindi lamang nito natugunan ang kanyang problema bagkus ay nagawa nitong baligtarin ang problema kahit nangyari na ito:

“Labis ang aking pagkagalak noong naramdaman ko ang pagbabago, isang araw lamang ang nakalipas noong minaneho ko ito. Parang bago ulit!”

At hindi lamang iyan ang tagumpay ni Ray gamit ang X-1R Automatic Transmission Treatment.

“Ginamit ko rin ang isang botelya sa aking Porsche 996 Turbo na tumakbo nan g 69,000 kilometro. Binigyan ako ng quote ng Porsche para sa pagpapalit ng transmission sa halagang 28,000 USD! Pagkagamit ko ng X-1R, gumanda ulit ang takbo ng aking sasakyan.”

Isipin ninyo na lamang na itong mga formula na ganito ay magsisilbing vitamins ng inyong sasakyan. Hindi man lahat ng problema ay kaya nitong tugunan dahil sa kalaunan ay naluluma naman talaga ang mga transmission, makasisiguro ka naman na sulit at mahusay ang produkto. Mabibili ito sa mga piling car dealerships sa buong bansa at online gamit ang www.thefilipinomall.com.

Sa katunayan, nagsusupply din ang X-1R sa NASA. Alamin ang iba pang impormasyon tungkol rito sa www.x1rasia.com.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *