Mapaminsalang Abo Dulot ng Pagsabog ng Bulkan: Mga Tips kung Paano Mapoprotektahan ang Inyong Sasakyan

Ang Pilipino Automologist na si Harold ay nangalap ng mga tips kung paano mapapangalagaan ang iyong sasakyan mula sa mga Car Manufacturers sa gitna ng mapinsalang abo mula sa Bulkang Taal.

Read this article in English: Volcanic Ashfall Damages Millions of Cars in the Philippines: How To Protect Your Car.

Ang biruan naming magkakaibigan noong aking kaarawan ay tila naging malawak na sakuna na nakaapekto sa halos 1 milyong tao sa Pilipinas.

Kuha mula kay Ezra Acayan

Bandang tanghali ng ika-12 ng Enero, nag-uusap kami ng mga kaibigan ko kung bakit ako nagpa-fireworks sa kaarawan ko na makikita sa layong 50 kilometro. Lingid sa aming kaalaman ito na pala ang Taal Volcano (75 kilometro ang layo sa Maynila) na nagbubuga ng sulphuric materials sa humigit-kumulang 15,000 feet sa ere. Sa loob lang ng ilang minuto ay nagdulot na ito ng panik sa mga residente sa loob ng 20-kilometer radius danger zone. Ang mga tao ay kanya-kanya nang hanap ng lugar kung saan sila magiging ligtas.

Kuha mula kay Ezra Acayan

Sa loob lamang ng ilang oras ay mababalitaan na sa mga radio at telebisyon ang mga kabahayan, ospital, paaralan at mga sasakyang balot sa makapal na abo. Ang hangin ay tila amoy sulphur na nagdulot ng takot sa maraming tao. Sunod-sunod pa ang mga pagyanig na naramdaman kasunod ng pag-aalboroto ng bulkan na umabot pa sa Intensity 4.5.

Kanselado na rin ang mga byahe papunta at pauwi ng Maynila. Ang lahat ay nakatutok sa kani-kanilang mga telebisyon at telepono lalo na ang mga may pamilya sa mga nasabing apektadong lugar. Dumagsa na rin ang mga tulong mula sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang pribadong organisasyon.

Kuha mula sa Carmudi Insider

Sa sumunod na mga araw, maaaninag na balot na ng makapal na abo ang mga kabahayan at nagmistula nang ghost town ang ilang barangay sa Batangas.

Kuha mula sa Carmudi Insider

Mahigit sa isang milyon ang bilang ng mga apektadong residente. Nagdulot din ng mga marka ang mapinsalang abo sa mga sasakyan na naiwan sa mga apektadong lugar. Kakabit pa nito ang mga car manufacturers at stock yards na nasa loob ng 20-kilometer danger zone at ang mga bagong sasakyan na nasira. Ang sulphuric materials ay dumikit na sa iba’t ibang metal na parte ng sasakyan na mahirap nang matanggal at posibleng magdulot ng gastos na aabot sa isang bilyon para sa pagpapalinis at pagpapalit ng mga parte nito.

Kuha mula kay Ezra Acayan

Para sa mga may sasakyang apektado ng pag-alboroto ng bulkan, mas mabuting malaman natin ang mga DAPAT na gawin bago at pagkatapos ng ganitong sakuna:

1. PINTURA NG SASAKYAN
– Gumamit ng running water pressure upang hindi magasgasan inyong sasakyan
– Huwag punasan ang sasakyan habang gumagamit ng tubig upang maiwasan ang pagkasira ng pintura ng sasakyan

2. SALAMIN AT RUBBER
– Iangat ang windshield wipers at ilubog ito sa tubig at marahan itong linisin
– Maingat na linisin ang mga bintana at rubber components ng inyong sasakyan
– Gaya ng pag-iingat sa pintura ng sasakyan, dahan-dahan ring tanggalin ang mga namuong abo sa salamin ng inyong sasakyan gamit ang pressurized water

3. AIRCON SYSTEM
– Bigyan ng panahon ang pagchecheck ng aircon system ng inyong sasakyan lalo na ang mga filters nito para sa mga naiwang abo

4. MAKINA AT IBA PANG PARTE
– Dahil sa mga abo na nagkalat sa daan, inirerekomenda na ugaliing i-check ang makina ng inyong sasakyan. Maari ring magparust-proofing upang mas maging ligtas lalo na sa mga sulphuric materials na maaring pagsimulan ng kalawang.

5. IBA PANG MGA DAPAT TANDAAN
– Umiwas sa pagmamaneho kapag may balita ng ash fall
– I-park ang sasakyan sa garahe na may bubong kung possible
– Gumamit ng mga pantakip sa sasakyan kung iiwan ito sa labas
– Gumamit ng N95 Mask kapag malalapit sa 20km radius danger zone
– Magpakonsulta agad sa doktor kung may makitang sintomas ng kahit anong respiratory problem

Kuha mula kay Ezra Acayan
No comments yet! You be the first to comment.