Magiging Handa ba ang Pilipinas sa Electric Vehicles?
Ang Republic Act no. 11697 o mas kilala sa tawag na Phillipine’s Electric Vehicle Industry Development Act ay malapit nang maisabatas kahit walang pirma ng dating pangulong President Rodrigo Duterte. Binigyang atensyon ito bilang posibleng paraan sa paglaban sa lumalalang polusyon gamit ang fossil fuel.
Ano nga ba talaga ang batas na ito? Ang pangunahing intension nito ay upang mapabilis ang local electric vehicle (EV) industry sa Pilipinas at makasabay sa ibang bansa. Upang malaman ang panukalang batas na ito, kinakailangan mong basahin ito ng buo na bilang motorista— nakakaubos ng pasensya at oras.
Para sa iyong kaalaman, narito ang buod at importanteng mga parte ng Electric Vehicle Industry Development Act:
Ang Buod.
Ang Electric Vehicle Industry Development Act ay may mahabang listahan ng mga layunin. Sa kabuuan, layunin nitong gumawa ng mas kaaya-ayang kapaligiran para sa ikauunlad ng pampublikong transportasyon sa bansa at para na rin sa maayos na daloy ng inaasahang Electric Vehicles. Nakasaad rito na mas maraming mabibigyan ng trabaho kung uusbong ang bagong industriya na ganito at magkakaroon din ng mas malinis at malusog na kapaligiran para sa mga Filipino. Ngunit ang tanong riyan ay paano naman ang mga kasalukuyang empleyado ng internal combustion engine vehicles? Mapapasweldo ba ng modernisayon na ito ang lahat ng mababawian ng pagkakakitaan?
Ang Agenda.
Maisabatas ang Electric Vehicle Industry Development Actbilang isang development plan ng pamahalaan upang mas mapabilis ang pagkuha ng mga EV at mapabilis din ang pagbebenta nito sa merkado. Tinatawag itong Comprehensive Roadmap for the Electric Vehicle Industry (CREVI).
Ilan din sa mga importanteng punto ng CREVI ay ang pagtatalaga ng mga EV charging stations sa mga parking lots at pagggawa ng mga components ng EV. Ang mga agenda na ito ay itinatalang 10-20 na taon bago makamit lalo na ang malawakang paglalagay ng mga charging station sa buong bansa. Kung maalala ninyo rito sa Pilipinas, umabot sa 10-20 taon bago natapos ang Skyway mula Alabang hanggang Balintawak.
Number Coding Scheme.
Hindi mo na kinakailangan bumili ng isa pang sasakyan upang makaiwas sa number coding scheme, kinakailangan mo na lamang lumipat sa EV. Hindi makakasama ang EV sa Unified Vehicular Volume Reduction Program kung saan hindi sila maaring hulihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local government gaya ng striktog numbr coding sa Makati. Eto pa, bibigyan din ng kakaibang plaka ang mga Electrical Vehicle mula sa Land Transporation Office (LTO). Ngunit ang pangunahing tanong lamang diyan, “Epektibo nga ba ang number coding sa pagbawas ng trapiko at nararapat pa ba itong ipagpatuloy?”
Discount sa mga Registration Fees.
Marami ang paniguradong sasabay sa bugso ng mga taong bibili ng Electric Vehicles kung bababa ang presyo nito sapagkat malaki ang discount ng registration nito sa LTO. Ayon sa CREVI, 30% na discount ang ibibigay sa mga Battery Electric Vehicle owners at 15% naman sa Hybrid owners. Bukod pa diyan, mas mabilis rin ang pagproseso nito at magiging epektibo ito walong (8) taon mula sa pagkakatatag ng batas.
Mabilis na Registration.
Magandang balita ang dala ng EV para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) dahil mapapabilis na rin ang pagkuha ng franchise ng mga ito mula sa LTO at LTFRB. Ganun din sa mga importer ng mga ganitong sasakyan mula naman sa Bureau of Customs (BOC). Ang malaking katanungan lamang rito ay: “Makakayanan ba ng mga PUV operators ang halaga ng mga ganitong yunit ng sasakyan at magkakaroon pa rin ba sila ng kita gamit ang mga ito?”
Parking para sa mga Electric Vehicles.
Ayon sa CREVI, kinakailangan na ang lahat ng pribado at pampublikong establisimiyento ay mayroong 5% parking slots para sa mga ganitong sasakyan. Sakop nito ang lahat rin ng mga establisimiyento na bubuuin palamang pagkatapos maisabatas na nang tuluyan ito. Kung hindi susunod dito, hindi maaaprubahan ang permit ng paggawa. Para sa akin, ang 5% ay kahibangan sapagkat sinasabi nito na 5% lamang din ang inaasahang EV sa daan?
5% ng mga fleet ay dapat EV.
Ayon sa CREVI, kinakailangan din na ang mga logistics company, tour agencies at mga hotel ay magkaroon ng 5% na mga ganitong uri ng sasakyan. Gayundin ang mga PUV Operators, Grab operators at pati mga LGU. Bibigyan ng timeline ang mga ito upang makasunod.
EV charges sa mga Gas Stations.
Inaasahan rin na ang mga gas station ay magbigay ng karampatang espasyo para sa mga charging station. Ang pera sa pagtatayo ng mga ito ay magmumula dapat sa may-ari o sa charging station service provider. Ang hindi sumunod ay hindi mabibigyan ng karapatan mag-operate.
‘Green Routes’ para sa mga PUVs
Ang Department of Transporatation (DOTr) ay responsible rin sa pagtatalaga ng mga ‘Green Routes’ na nakapaloob sa program ng LTFRB para sa mga probinsya at munisipalidad. Ang mga ruta na ito ay para mismo sa mga Electric na PUVs. Nakalimutan na yata ng mga ito na limitado lamang ang ating mga kalsada na dahilan rin kung bakit ganito ang lagay ng trapiko sa kasalukuyan pa lamang.
Exemption mula sa Import Duties at Excise Tax.
Ang Electric Vehicle Industry Development Act ay nagsasabi na ang importasyon ng mga EV ay kinakailangan sumunod sa tax na babayaran nito alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Sinasabi nito na ang mga hybrid ay magbabayad lamang ng 50% excise taxes at ang mga EV ay exempted na rito. Ngunit ang Department of Finance (DOF) ay maaring isuspend ito upang protektahan ang mga local manufacturers. Magdudulot ito ng kakulangan sa kita ng pamahalaan mula sa mga buwis.
Iba pa rito ang katotohanan na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay (BSP) ay matatalaga sa mga bangko ng porsyento upang makapagpautang sa mga operator, manufacturer at charging station providers. Ang sa akin lamang, nasusunod ba ng mga bangko ang loan portfolio para sa mga small and medium scale businesses?
Training.
Technical Education and Skills Development (TESDA) ay magbibigay ng mga program para sa pag-assemble, paggamit at pag-maintain ng mga EV. Wala pang Rules at Regulations para dito!
Dahil rito, malayo pa talaga tayo sa pinapangarap na buhay na puno ng mga electric powered na bagay. Ang Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang iba pang government agencies at ang pribadong sektor ay kinakailangan magkaisa para sa komprehensibong mga panuntunan para rito at para na rin sa mas nakararaming Pilipino.
“failure of the relevant government agencies to promulgate the IRR within the specified period shall subject the heads of these government agencies to administrative penalties under applicable civil service laws. ” TOTOO BA? Tignan mo ang iyong paligid, napakaraming batas na ang naisabatas kahit walamg malinaw na mga panuntunan para sa mga ito. Nasaan ang para sa Anti-Monopoly Law? Anti-Political Dynasty Law? Wala pa naman tayong narinig na mga ahensya na nagkaroon ng pananagutan para sa mga kakulangan ng maga batas na ito. Magaling tayong gumawa ngunit hindi tayo maayos magpalakad.
SA NGAYON, maghihintay lamang tayo sa kabuuan ng batas na ito. Humahanap tayo ng mga paraan upang makatulong sa pagbawas ng polusyon ngunit lingid sa ating kaalaman, ang mga matatalinong tao sa NASA ay matagal na itong nalutas gamit ang mga produkto ng X-1R! Tumawag lamang sa +63 956 809 5284 o magtanong sa aming facebook page www.facebook.com/X1RPhilippines o sa inyong Service Advisors para sa mga ito.