Magandang Balita Para Sa Pilipinas: Kakulangan Sa Mineral Na COBALT Para Sa Mga Electric Automakers

Read the English version of this article here

Katapusan na ba ng Electric Vehicles dahil sa kakulangan sa Cobalt?

Kasabay ng mabilis na takbo ng mundo patungo sa henerasyon ng Electric vehicles, maaring may importanteng bagay tayong nalilimutan, ang Li-ion batteries. Ang Li-ion batteries ay nagmumula sa cobalt na isang by-product ng copper at nickel na karaniwan ding makikita sa mga electronic gadgets gaya ng cellphone at laptops. Sa kadahilanan na hindi ito basta-basta nakukuha, limitado lamang ang supply nito. Paniguradong makikinabang ang lugar kung saan maraming deposito ng asul na mineral na ito.

Crystalline cobalt.

Simula Nobyembre noong isang taon, isang grupo ang nabalitaang malawakang bumibili ng supply ng cobalt at binebenta ito sa dobleng halaga. Ngayon na ang presyo nito ay umaabot sa 21 USD kada pound, nagsisimula na mapaisip ang mga kompanya na gumagamit ng Li-ion batteries sa kani-kanilang mga istratehiya. Ang kompanyang Apple, ang isa sa mga pangunahing komapnya na may pangangailangan sa cobalt ay nagsimula nang magkaroon ng diskusyon sa mga minero ng Democratic Republic of the Congo, kung saan two-thirds ng supply ng mundo ay dito nagmumula, upang maiwasan ang paghina ng supply nito at ang posibleng sobrang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Larawan ng isa sa malalaking hukay sa lupa sa bansang Congo. Image credit: via electrek.co; aminoapps.com; anticorruption-centre.org

Paano nga ba naging magandang balita ito para sa Pilipinas? Ang pagsipa ng demand para sa ganitong mineral ay tiyak na magiging kapaki-pakinabang para sa bansa na katunayan ay ikaapat na mula sa ikaanim na pwesto nito noong 2018 bilang isa sa mga pinagkukunan nito: (Tignan ang listahan sa baba)

Ang magandang kapalaran na ito ay maaring maging pangunahing paksa ni Pangulong Duterte at DENR Secretary, Roy Cimatu sa pagtalakay sa nakaraang isyu sa pagpapahinto sa open-cast mining sa bansa. Sa kasalukuyan, nakagagawa ang bansa ng humigit-kumulang 4600 tonelada ng cobalt.

“Top Ten Cobalt Producers and the Amount Produced”:
• Democratic Republic of the Congo – 100,000 tonelada
• Russia – 6100 tonelada
• Australia – 5100 tonelada
• Philippines – 4600 tonelada
• Cuba – 3,500 tonelada
• Madagascar – 3,300 tonelada
• Papua New Guinea – 3100 tonelada
• Canada – 3000 tonelada

Bago pa makisawsaw ang grupo ng mga ‘hoarders’ sa merkado ng cobalt, naiangat na ng mga manufacturer ng electric vehicles ang halaga nito hanggang 18,000 USD kada tonelada. Sa ngayon ay hindi pa mararamdaman ang pagbaba ng presyo nito dahil na rin sa inaasahang pagtaas ng demand kaysa sa supply na nakikitang aabot sa 20% kada taon.

Sa ganitong kalagayan, maaring may mga natatakot na sa kompanyan ng Ford at Tesla kung saan bumubuo sila ng mga bagong modelo ng electric vehicles. Mas nangangamba ring tiyak ang mga battery makers para sa kanila gaya ng Johnson Controls at ang Japanese-based na Panasonic.

Hindi lamang ang Apple ang kompanya na nangangamba sa pagbaba ng supply ng cobalt sa hinaharap. Sa katunayan ay tinangkang siguruhin ng Volkswagen ang supply nito gamit ang isang 5-taon kontrata gamit ang 50 billion EURO kung saan paniguradong magkakaroon sila ng 30,000 tonelada. Hindi naman nakagugulat na hindi nila maisakatuparan ang kanilang balak dahil na rin sa kakulangan sa supply nito. Mas kakaunting supply, mas mataas na presyo.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *