Libreng Sakay Sa Mga Solar-Fueled Na Pampasaherong Sasakyan Sa Pilipinas: Totoo Nga Ba?

(Kasalukuyang ipinapatupad sa mga Lungsod ng Parañaque at Las Piñas)


Anong mas nais mo? Mausok na pampasaherong jeep o komportableng pampasaherong Solar-powered mini bus?

Bilang isang hakbang sa kampanya laban sa lumalawak na polusyon at problema sa trapik sa bansa, naglunsad ang Land and Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng isang SOLAR-POWERED MINI BUS bilang tugon sa mas maayos at mas makalikasang sistema ng transportasyon.

Ang kampanyang ito ay parte ng Public Utility Vehicles Modernization Program ng pamahalaan at ang ilan sa mga yunit nito ay kasalukuyan nang bumabyahe sa kahabaan ng ALABANG-ZAPOTE at BACLARAN-SUCAT. Sa ilalim ng South Metro Transport Cooperative, sinasabing gamit ang Star 8 Green Technology Corporation solar-powered units ay unti-unti nitong mapapalitan ang itinuturing nating mga “hari ng kalsada” na karaniwang pinapatakbo ng mga kulang sa disiplina nating mga tsuper. Mas maraming solar-powered buses, mas mabilis na pagkaubos ng mga lumang pampasaherong jeep.

Bukod sa magandang dulot nito sa kalikasan, mayroon din itong modernong mga kagamitan tulad ng mga CCTV, GPS, Wi-Fi at Automated Fare Collection System. Sa kadahilanang pinapagana nga ito ng solar power, kinakailangan itong i-charge na parang baterya sa loob ng sampung (10) oras upang mapatakbo ito sa loob ng labing-apat (14) na oras sa isang araw. Maari rin itong mag-okupa ng aabot sa dalawampung pasahero.

 

Isa pa sa magandang balita ay ang pagbibigay ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ng LIBRENG PASAHE sa pagsakay sa mga solar-powered units sa mga residenteng sakop ng kanilang pamamahala.

Ayon pa kay Parañaque Mayor Edwin Olivares na isang ding environmentalist, “mag-Solar na tayo, magagawa natin ito at makakamura pa tayo.”

Ayon naman kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, “Panawagan po sa lahat, wala na pong atrasan ito. Tuloy-tuloy na po.”
Ang paglipat sa mas komportable at makalikasang sasakyan ay isa sa mga praktikal na dulot ng modernong teknolohiya na naglalayong pagaanin ang sitwasyon ng masa. Ang transportasyon gamit ang SOLAR ENERGY ay isa nang reyalidad at libre ito sa lungsod ng PARANAQUE!

Mabuhay Parañaque!

  • NIGEL MCKENZIE
    July 26, 2019 - 11:04 am

    But why oh why did they design them on the Jeepney format when that is such a poor template. Make them bigger, make them air conditioned have the seats running transverse make it so they don’t stop where they damn well please.. SOOOO many things that could have been done to make them a more efficient means of transportation. But hey it is a start.

    0Vote Up0Vote Down

Your email address will not be published. Required fields are marked *