Kakaibang Baterya: Susi Ng Toyota Para Pangunahan Ang Benta Ng Electric Vehicles Sa Buong Mundo
Read the English version of this article here.
Inanunsyo na ng Toyota Motor Corp and kanilang USD 13.5 bilyon na budget mula ngayon hanggang 2030 na gagamitin sa paggawa ng kanilang sariling baterya at supply chain upang sila na ang magiging global leader sa larangan ng electric vehicle technology sa mundo bago ang pagpasok ng susunod na dekada. Bilang pinakamalaking kompanya sa industriya ng paggawa ng sasakyan at isa sa mga nagpasimuno ng mga hybrid na sasakyan, sisimulan na rin nilang maglabas ng isang buong line-up ng mga dekuryenteng sasakyan sa sunod na taon.
Noong mga nakaraan, naging mabagal ang pagpasok ng Toyota sa EV market dulot na rin ng problema sa pagkakaroon ng charging stations na halos imposible sa pangkaraniwang mga tahanan ngayon. Sa halip, mas ginamit nila ang mga hydrogen-powered at petrol-electric hybrids. Dahil dito, isa sila sa mga nangungunang lider sa larangan ng battery technology.
Sinabi rin ng kompanya na nagpaplano silang bawasan ang gastos sa paggawa ng baterya ng 30% gamit ang pagrerebisa ng mga materyales na gamit rito. Maari silang magkaroon ng problema sa presyo ng cobalt at lithium ngunit wala pang kasiguraduhan ang planong ito sa ngayon. Ang Toyota bZ4X ang isa sa pinakaunang makikinabanag dito kung saan naglalayon silang mabawasan ng 30% ang konsumo sa power nito.
Naniniwala ang mga taga-industriya na Toyota ang mangunguna sa paggawa ng mass-produce solid-state batteries kung saan ito ang nakikitang hinaharap ng EV industry. Mas mura itong gawin, mas mabilis, hindi madaling nasusunog kahit na marami itong kargang kuryente. Hinihintay na ng buong mundo ang pagdating nito dahil kalaunan , ito na ang papalit sa Li-ion batteries na sa kasamaang-palad, maikli lamang ang buhay, mahal at mabilis masira ang mga bateryang katulad nito.
Sa kabilang dako, ang Volkswagen o ang pangalawa sa pinakamalaking manufacturer ng sasakyan ay hindi nagpapatalo sa pangako nilang magdala ng all-electric autonomous future o ang pagkakaroon ng mga driverless electric vehicles. Sa kasalukuyan, naglaan na sila ng USD 180 bilyon hanggang bago ang 2025 na sa aking tingin ay hindi pa sapat.