Kababaihan: Hari Ng Daan

Sabin ni Automologist Kathleen, mas mahusay daw magmaneho ang mga babae? Talaga?

Karamihan sa atin, ang unang isasagot sa tanong na “Sino ang mas mahusay magmaneho pagdating sa daan?” ay, “Aba, syempre kalalakihan!” ngunit maraming dahilan upang itigil ang pagiisterotype o pagkukumpara sa kababaihan sa mga kalalakihan sa larangan ng pagmamaneho o sa iba pang aspecto ng industrya, negosyo, ekonomiya at lipunan.

Masasabi natin na isang dahilan kung bakit nasa linya ng automotive ang mga kalalakihan ay dahil mas marami ang kalalakihan na humaling at bihasa sa mekanikal na larangan ngunit ang katotohanan ay kapag pinag-usapan na ang kaligtasan, nakasisigurado ba tayo na sila pa rin ang nakalalamang?

Ito ang lima (5) sa mga dahilan kung bakit kababaihan ang tila mas mahusay pagdating sa pagmamaneho sa daan:

1. Nasa isip ng kalalakihan na sila ang hari ng kalsada

Hindi man lahat ngunit madalas makakakita tayo ng mga lalaking motorista na agresibo sa pagmamaneho na para bang nasa isip nila na “Sa amin ang daan na ito!”. Bilang resulta ng ganitong pag-uugali, dumarami ang bilang ng mga naaaksidente at namamatay sa daan. Ang mga kababaihan ay masasabing mas komportable at kalmado magmaneho at mapapansin na hindi sila teritoryall pagdating sa pagbibigay sa kalsada.

2. Distracted ang mga lalaki sa magagandang babae

Hindi maikakaila na kasama na sa pag-uugali ng mga kalalakihan ang magbigay ng atensyon at pagpapahalaga sa magagandang hubog na katawan ng mga kababaihan lalo na sa kasag-sagan ng panahon ng tag-init kung saan ang mga tao ay madalas nagsusuot ng mga damit na presko. Nagiging dahilan ito ng distraksyon sa pagmamaneho para sa maraming kalalakihan.

3. Mas mahaba ang pasensya ng mga kababaihan

Likas sa kababaihan ng maging mapagpasensya sa maraming bagay. Ang pagiging kalmado ng mga ito ay makikita rin sa pagsunod sa mga batas-trapiko gaya ng pagsunod sa stoplight at pagbibigay daan sa ibang mga sasakyan. Ang pagkakaroon ng maayos na control sa emosyon ay isa sa mga maganda at kapaki-pakinabang na katangian ng isang babae.

4. Mas masunurin sa mga batas-trapiko

Ang pag-aaral at pagsunod sa batas-trapiko ay ang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang kung ikaw ay isang motorista. Maraming pag-aaral na ang nagsasabi na malaking bagay ang pagkakaroon ng mga kababaihan ng tinatawag na mother’s instinct sapagkat nagagamit at mapapansin ito sa maraming paraan gaya na lamang ng pag-iingat sa daan na tila gusto nilang protektahan hindi lamang ang sarili nila ngunit pati na rin ang mga nasa paligid nila. Samakatuwid, mas makikita natin na maayos na nasusunod ng mga ito ang mga itinalagang batas-trapiko.

5. Mas madalas uminom at magmaneho ang mga kalalakihan

Drink and drive kung sa ingles ika nga o ang pagmamaneho matapos uminom ng alak. Karamihan sa mga naaaksidente ay ito ang nagiging dahilan. Kaakibat kasi nito ang kawalan ng pokus sa daan at sa mga posibleng dahilan ng pagkadisgrasya habang nagmamaneho. Sa kadahilanan na rin na di hamak na mas kaunti ang populasyon ng mga kababaihan na mahilig uminom, isang malaking dahilan ang pagkahilig talaga ng mga kalalakihan sa alak.

Ilan lamang ito sa marami pang dahilan kung bakit hindi natin maaring masabi na ang kalalakihan lamang ang maituturing na “Hari ng Kalsada”. Lagi lamang natin tatandaan na ang kasarian ay hindi palaging batayan kung ano ang mas higit o hindi bagkus nasa pag-uugali at personalidad pa rin iyan ng tao at kung paano siya magiging mabuting mamamayan sa loob man ng bahay o labas man ng kalsada.

Para sayo? Sino nga ba ang hari ng kalsada? Gusto naming marinig ang opinyon mo kaya mag-iwan ng komento sa artikulong ito.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *