Hininto ng Toyota ang Kanilang $30-B Electric Vehicle Rollout Plan Para Labanan ang Tesla
New Toyota bz4x electric SUV, Toyota’s First Full EV car (Image source: autodaily.com.au)
Isang dekada na ang nakalipas noong sinabi ng Toyota na hindi raw banta sa kanila ang teknolohiya ng Tesla at ang katotohanan, nagtulungan rin silang dalawa sa paggawa ng battery-electric version ng RAV4. Sinabi ng mga Engineer ng Toyota noon na wala naman masyadong makukuhang aral mula sa Tesla. Ihininto ng Toyota ang electric RAV4 noong 2014 at binenta rin nito and kanilang stake sa Tesla noong 2017. Sa katunayan, ipinahihinto nito ang 30-B USD na plano para sa roll out ng Electric Vehicle at 30 na iba pang proyekto na kanilang inihayag na noong Disyembre 2021.
Isang grupo ng apat na eksperto mula Toyota ang inatasan na bumuo ng plano para sa mga gagawing pagbabago sa kasalukuyang plano sa EV para sa susunod na taon. Ayon sa Toyota, nakatuon sila sa pagbabalanse ng carbon ngunit hindi nagbigay ng pahayag ukol sa iba pang bagay. “Para makamit ang carbon neutrality, ang Toyota technology, kasama pa ang iba naming partner at suppliers, ay talagang kinakailangan,” tugon ng kompanya sa tanong ng Reuters.
Unti-unti na napagtatanto ng Toyota ang mga kasinungalingan ng “EV Evangelists”. Ang isang fully electric na sasakyan ay maaring hindi talaga sustainable sa pangmatagalan o kahit sa kasalukuyan nitong galaw, maaring lumikha ng mga problema sa supply at magulo ang buong global program. Makukuha ito sa mga pahayag ng mismong 66-year old na Toyota Global CEO NA si Mr. Akio Toyoda.
Ayon sa Wall Street Journal, sa isang press conference, hindi itinago ng Toyota CEO and kanyang paghamak sa EVs. Ipinahayag niya rito ang kanyang paniniwala na makasisira lamang ito ng negosyo, mangangailangan ng napakalaking investment at maari pang makapaglabas ng mas maraming carbon dioxide kumpara sa combustion-engined vehicles. “Ang kasalukuyang business model niyan sa industriya ay masisira,” wika pa niya. “Mas maraming EVs ang mabubuo, mas nakakatakot ang maari nitong ibuga na carbon dioxide… Naiintindihan ba ito ng mga politiko na nagsasabing alisin na nating lahat ang mga sasakyang gumagamit ng gasolina!?”
Toyota Mirai, run by full hydrogen based fuel cell (Image source: Vision Photo)
Maraming mga eksperto ang naniniwala sa Toyota na mayroon itong kakayahan sa paggawa at pagbebenta sa merkado ng mas modernong imbensyon gaya na lang ng Hybrid ICE at EVs. Ang totoong problema ay ang produksyon. Nagkaroon ng ganitong isyu ayon sa mga source, dahil raw sa malaking gastos laban sa Tesla ngunit naniniwala pa rin ang Toyota na makakalaban pa rin sila laban sa iba gamit ang mas mahusay nilang manufacturing process.
Sa kalaunan, bibiglain na lamang tayo ng Toyota sa kanilang Hydrogen Engine. Mapupukaw na nito ang reaksyon ng iba’t ibang green investors at environmental groups na nagsabing ang Toyota, bilang dating tagasuporta ng kalikasan, ay nagging mabagal sa pagyakap sa EVs. Ang sinabing grupo ay tinawag na “BR”o “Business Revolution” group, isang termino na ginagamit paturing sa mga malakihang pagbabago na gagawin sa proseso.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Toyota sa ilang suppliers upang mas mapababa ang gastos nito gaya na lamang ang paggamit ng Tesla sa kanilang Giga Press na isang malaking makinarya na nagpagaan ng mga gawain sa mga planta ng Tesla. Isang parte na tinitignan pa ay ang mas komprehensibong paraan kung sa EV-Hybrid thermal management – ang pagsasama ng passenger air conditioning at electric powertrain temperature control- na nauna nang isagawa ng Tesla.
Kung darating ang araw na mapatutunayan ng Toyota na ang mga EV “evangelists” ay mali at ang kanilang EV “Doctrine” ang tama, ang Hydrogen-fueled cars, makapagbibigay ito ng kasiyahan sa nagsulat nito na noon pa ay nagsasabing tila may mali sa daang sinasabi patungo sa electric vehicle.