HINDI NA KAILANGAN ALISIN ANG MGA JEEPNEY SA KALSADA: Kusang Mawawala Sila
Sa nakaraan kong article na sinulat tungkol sa kung payag ba kayong alisin ang jeepney sa Metro Manila, Metro Cebu and Metro Davao, nagulat ako sa dami ng nag “like” at nag comment. Mahigit 800 ang nag react—at ito ay mga 2-3 talata ang haba na komento at karamihan ay galit at desperado na sa abala at problema na idinudulot ng mga jeepney. Mga 70% sa kanila ay gustong e-phase out na ang mga jeepney, ang iba naman ay gustong ilipat na ang mga jeepney sa probinsya.
Pero alam nating mga pinoy na aabutin ng siyam-siyam ang pagbalangkas ng mga batas at regulasyon hanggang maaprobahan ito para sa abolisyon ng jeepney sa kalsada. Sa dami ng mga epal na mambabatas na kunwari pinoprotektahan ang kapakanan ng mga drayber at kanilang pamilya kasi umaabot din ito sa mahigit dalawang milyong boto (400,000 na drayber ng jeepney na may tag lilimang dependents). Kaya walang mambabatas na magendorso ng batas na ganito. Tuloy ang mga taong inis sa tagal ng proceso sa Pinas pumapabor na sa mga ala-tokhang na estilo ni Presidente Duterte para lang madaling ma-implement ang kaayusan. Ito lang ngang polisiya ng Kagawaran ng Transportasyon na pagbutihin at ayusin ang mga jeepney (modernization) ay pinapalagan na ng mga asosasyon ng draybers at operators. May naka planong 2-araw na welga nitong buwan.
Kung hindi kayanin ng batas, ano gagawin natin? Gamitin natin ang kapangyarihan ng merkado. Isipin natin ito: Kailangan ba ng batas para palitan ang makinilya (typewriters) at computers na ang gamitin? Kailangan ba ng lehislasyon para palitan ang postal mail at email na gamitin? imbis mga greetings cards ngayon ay text messages na? Imbis na actual na kita-kita, sa social media nalang magpalitan ng larawan? At sa larangan ng transportasyon: Sa Thailand, alam ba ninyo ng yung “toktok” (parang tri-cycle natin dito) nila ay halos nawala na at nasapawan na ng mas comportableng mga uri ng sasakyan? Dito nalang sa atin, saan na ang mga kalisa? Napalitan na ng “Uber” at “Grab”. Tanongin kita—Payag ka ba sa init tapos biglang ulan ay mag kalisa ka gailing Quiapo hanggang Fairview?
Sa tingin ko, gawin lang natin itong mga sumumunod na nararapat na paraang maka merkado–makakabuti sa ekonomeya at negosyo at comportable sa ordinaryong tao, KUSANG MAWALA ANG JEEPNEY SA LANSANGAN AT SA MUSEU NA LANG MAKIKITA:
1. PALITAN NG MGA BUS COMPANIES YUNG GAMIT NILANG BUS—Ang gamiting bus ay yung malalapad at sliding ang mga pinto para sa mabilis na pag sakay at pag baba. Marami na akong nakikitang ganitong bus sa Edsa at may airport. Eh, kung ganito na ang bus ng Baclaran papuntang Alabang via Las Pinas or Quiapo papuntang Fairview o sa Metro Cebu at Metro Davao at aircon pa at ang pamasahe mas mataas lang konte sa jeepney, palagay mo may sasakay pa ng jeepney?
2. MAS MARAMING TREN SA LRT AT MRT AT PAGKAKAROON NG EXTENTION PATUNGONG BACOOR, ANTIPOLO AT BULACAN—Sa maraming tren, bibilis na ang flow at iiksi na ang pila sa LRT at MRT at mas marami na ang maabot hanggang Bacoor, Antipolo at Bulacan, palagay mo may sasakay pa ng jeepney?
3. MAGKAKAROON NA NG MAGANDANG TREN GALING TUTUBAN PAPUNTANG PANGASINAN AT BICOL—Pinapalitan na ngayon ng pamunuan ng PNR ang mga karag karag na tren na dumadaan sa ating mga riles at pahabain ito papuntang Pangasinan at Bicol at ang pamasahe mas mura sa jeepney. Palagay mo may sasakay pa nga jeepney?
4. MERON NG MAS MALAKING VAN, ALA MINIBUS NA PAPALIT SA SIKSIKANG UV EXPRESS MULA SA MGA SUBDIVISION PAPUNTANG MAKATI, ORTIGAS AT NORTH EDSA—May bagong modelo na ng Nissan Minivan, Toyota Grandia, Fonton na malalaki para mas comportable ang sakay. Ito na dapat papalit sa masisikip na Nissan Urban. Ito na rin ang papalit sa mga ginagamit sa Davao, Cebu, GenSan, CDO, Baguio, Bicol. Palagay mo ba may sasakay pa ng jeepney?
5. MAY AIRCON NA ELECTRIC VANS NA SINUSUBUKAN NA NG MAKATI AT P10 LANG PAMASAHE—Sa ganitong tahimik, malamig, comportable, walang usok na sasakyan at P10 lang pamasake, bakit ka pa sasakay ng jeepney? Dapat ito na ang gamitin sa mga maiiksing ruta sa Maynila, Quezon City, Caloocan, Pasay, Cebu, Davao, Taguig, Muntinlupa, Paranaque at iba pang siudad.
6. GAMITIN NATIN ANG KAPANGYARIHAN NG SOCIAL MEDIA AT MASS MEDIA PARA IPANGARAL ANG TAMANG ASAL SA KALSADA—Dapat sa mamamayang mananakay na mag umpisa ang disiplina at tamang ugali. Dapat huwag nating tangkilikin ang mga pasaway na jeepney. Huwag tayo sumakay at bumaba pag hindi tama ang parade. Huwag sakyan ang mga karag-karag at maruming jeepney. Huwag sumukay pag naka sando lang at tsinilas ang drayber.
Kaya sa natural na modernisasyon ng systema ng transportasyon kung saan mas comportable na ang mga sasakyan at hindi ganon ka mahal ang pamasahe, kusang lilipat ang merkado ng mananakay galing jeepney sa mga panibagong modo ng transportasyon. KAYA HINDI NA KAILANGANG I-PHASE OUT ANG MGA JEEPNEY KUSA SILANG MAWAWALAN NG NEGOSYO AT MAWALA SA KALYE!