Gusto Mo Bang Mag-drive Ng Electric Vehicle? Ito Ang Desisyon Na Hinihintay Mo!
Isa ito sa mga conspiracy na pinag-uusapang ngayon na baka ang dahilan ng pagtaas ng produkto ay dahil sa kagagawan ng (kung sino man sila) na tanggapin na ang presyo ng mga dekuryenteng sasakyan at lumipat na ang lahat sa paggamit ng mga ELECTRIC VEHICLE.
Kung madalas ka sa website na ito, alam mo na hindi ako sang-ayon sa hinahanarap na pinapagana na lahat ng elektrisidad. Unang dahilan ay hindi talaga sapat ang mga mineral ng mundo sa paggawa ng mga baterya na kakailanganin at dagdag na rin na wala rin sapat na pagkukuhanan ng enerhiya upang mapagana ang lahat ng sasakyan sa mundo. Karamihan sa mga bansa ay kinakailangan pang dumoble ng kanilang electric-generating capacity para lamang mapalitan ang mga Internal Combustion Engine (ICE) na mga sasakyan ng mg Electric vehicles. Ang susi lamang talaga sa pagtanggal ng malalang polusyon sa daan ay ang paghinto sa pagpapalago at pagdami ng mga personal na sasakyan bagkus magpokus sa pampublikong transportasyon.
Sabwatan nga ba ito o pamumulitika? Malamang ay parehas o isa man diyan. Simula noong 2021, ang presyo ng petrolyo ay talagang lumobo ng halos doble sabay na rin sa pagbalik ng mundo sa “new normal” na tinatawag. Malaking parte na rin dito ang gyera ng Russia at Ukraine. Isa rin sa mga dahilan na hindi napapansin ng karamihan ay ang patuloy na pagbago ng klima o “climate change” na nagiging dahilan ng pagkaunti ng mga mineral na kinakailangan sa paggawa ng langis.
Kung hindi mo pa naiisip, mayroong hakbang na ginagawa ang malalaking ekonomiya upang unti-unti tayong lumayo sa mga hydrocarbon at lumipat sa renewable upang labanan ang global warming. Ito ang ginawang sentro ng kampanya ni Joe biden kung iyong maalala at hindi siya nag-iisa. Sa Europa, inaasahang sa 2030 ay unti-unti nang mapapalitan ang mga ICE ng EVs at sa 2040, lahat na ay magiging electric powered. Nagawa na nila ang desisyon na kahit tayong mga ordinaryong tao ay maari nang manahimik at maghintay na lamang.
Ang pagbaba ng presyo ng petrolyo ay nangangahulugan na nangangailangan ng mas malawak na investment sa mas mapanganib na merkado na kung ikaw bilang investor ay mapapasabing “Ay ‘wag na lang”. Karagdagan pa diyan ang mga pagbawi ng mga kasalukuyang investor sa kanilang pera dahil na nga sa lumalalang kakulangan sa supply.
Marami na rin politiko ang nagpahayag ng kani-kanilang plataporma para sa climate change, ngunit kahit na mayroon nang balita sa sa paggawa ng mga pasilidad at pagbuhay muli ng Keystine pipeline o ang Peridae Gas Terminal sa Nova Scotia, aabutin pa rin ng ilang taon para palamigin ang sitwasyon. Sa ngayon, magdudusa muna ang lahat sa matayog na presyo ng gasolina pati na rin ng mga bilihin. Para sa akin, hindi ito hinala lamang bagkus totoo na mayroong tao sa likod ng lahat ng ito at tinitignan na lamang niya tayo mula sa taas.
Kung nais mag-order, tumawag lamang sa +63 956 809 5284 o mag-message lamang sa aming facebook page at www.facebook.com/X1RPhilippines.