Gusto mo ba ng sariling TV monitors at banyo sa bus na sinasakyan mo?

Patok at nag-viral ngayon sa Social Media ang isang Bus dahil sa pagbibigay ng sobrang kumportableng byahe.

Diba nakakabagot kapag nakasakay ka ng bus tapos sobrang trapik, eh walang ka namang magawa. Pero hindi ba maibsan ang inis at bagot mo kapag may napapanuod kang movie o teleserye sa sariling TV monitor sa harap mo. Itong bus na ito ay parang aeroplano ang mga TV monitors. Bongga di ba?

Puede kang makanood ng mga palabas, magenjoy ng music at mag internet.

At alam ko naranasan mo din ang “tawag ng pangagailangan” habang natatrapik ang bus na sinakyan mo. Ano gagawin mo? Bababa ka? Abala diba? O, titiisin mo? Sakit naman aabutin mo, diba? At ang tanging hanap mo ay palikuran para mailabas ang kailangan ilabas. Pero ang bus na ito ay parang earoplano din may sariing restroom. Sosyal diba?

Hindii lang sariling monitors meron ang bus na ito may palikuran din upang kahit malayo pa ang destinasyon mo, walang problema para sa mga sumasakit na mga pantog at tiyan.

Kahit mahal konte, pag ang bus ay ganito, dito na ako sasakay, mas comportable pa nga kay sa kotse ko. Kailangan ito ng mga kababayan ko sa mga matrapik na ciudad at sa pang mahabaang biyahe patungong Baguio, Laoag, Aparri, Legaspi, Sorsogon, Leyte, Davao at iba pa.

Sana dumami pa ang mga ganitong bus!!! Kahit si Presideng Digong eenjoy dito papuntang Davao. Tingin mo?

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.