Buhay-Piloto: Boring, Exciting o Magiting?

This article was originally published in English

Sa tingin ng Automologist na si Harold, ito ay kagitingan. Ang kanyang bayani na si Capt. Butch Generoso ang humadlang sa isang hijack, nailigtas ang ilan sa mga Pilipinong manggagawa mula sa bansang Syria , gyera mula sa Libya, category 5 hurricane sa Puerto Rico at sa panahon ng pandemyang ito, sa COVID-19 hotspot na Italya.

Pagsalubong kay Pope Francis sa pagdating nito sa Fiumicino Airport sa Italya.
(Photo from ABS-CBN.com)

Para sa marami sa atin, gaya na lamang ng nagsulat nito na madalas bumyahe (para sa trabaho), nakakapanibago ang pagkawala ng amoy ng airport at eroplano nang nagsimula na ang pandemyang ito. Marami na akong napuntahan. Mayroong mga taon na bumabyahe ako sa 20 bansa kaya naman mas madalas ko pang makita ang mga piloto kaysa sa mga pari.

Hula pa sa paaralan naming noong sekondarya na magiging piloto raw ako na malabong mangyari dahil simpleng mga guro lamang ang aking mga magulang at hindi nila ako kayang pag-aralin sa flying school. Sa totoo lang, mas masaya pa akong maging pasahero kaysa maging piloto ng eroplano. Madalas kong maisip na boring ang buhay-piloto, nakasakay sa cockpit sa loob ng 10-15 na oras, tinitignan lamang ang mga gauges, meters and gadgets ng eroplano. Maari lang silang maramdam ng kaunting adrenaline rush sa paglipad at paglapag ng eroplano.

Ngunit nagbago ang lahat ng ito sa pagbasa ko ng isang interview ng ABS-CBN sa Philippine Airline pilot na si Capt. Butch Generoso. Inilarawan ng dating foreign affair attaché na naging piloto ang 34 taon ang kanyang mga karanasan sa napiling karera na puno ng pakikipagsapalaran at di malilimutang saya.

Sa pagsasaliksik sa kanya, malalaman mong siya ang pilot ng Airbus A330 na may lulan na 278 na pasahero noong na-hijacked ito ng isang Pilipino taong 2000.

Sa interview ng ABS-CBN, sinabi niya, “Mahinahon akong tao, kaya kung may magtututok saýo ng baril at granado, sa tingin ko kabaliwan ýon!”. At nung panahong iyon, wala siyang magawa, kahit ang magsalita. “Kapag napagtanto mo na malapit ka na sa kamatayan, kinakailangan mong umisip ng paraan para makaligtas, at doon na lumabas ang kapangyarihan ng maayos na negosasyon”. Nakumbinse ni Capt. Butch ang hijacker na hindi sila papalag at susundin ang kanyang mga ipag-uutos ngunit “pumutok pa rin ang baril sa cockpit”.

Tumalon ang hijacker – na gaya sa mga pelikula – tangay ang mga perang nakuha nito sa mga pasahero gamit ang home-made parachute noong pagbaba ng eroplano sa 6,000 feet. Sa kabutihang palad, wala naming nasaktan at ligtas na nakapalag ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Dahil sa kanyang katangian sa gitna ng krisis, nakatanggap siya ng papuri mula sa dating-pangulo Joseph Estrada.

Kuha mula sa Tashkent, Uzbekistan sakay ng Philippine Airlines Airbus A330, na nag-uwi sa mga OFW na naapektuhan ng pandemya. (Photo from ABS-CBN.com)

Capt Generoso at anak nitong si Jose Inigo sa gitna ng isa sa delikado nilang lipad para maiuwi ang mga Pilipinong naapektuhan ng pandemya sa Italya.
(Picture from ABS-CBN.com)

Ang kanyang buhay-piloto ay talaga naming puno ng maraming pakikipasapalaran. Noong 2006, siya ang naging piloto ng A330 PAL Flight mula Damascus na naglulan ng mga OFW mula sa gulo sa Syria. Noong 2014, siya naman ang naatasan na mag-uwi sa mga Pilipino sa gitna ng Libyan civil war. Bilang isang beteranong “rescus pilot”, naipadala siya sa isa sa pinakadelikadong misyon – iligtas ang mga Pilipino sa gitna ng 2017 Category 5 Hurricane Maria gamit ang A430 aircraft. Parang nasa pelikula ang mga eksena at tila ba itinadhana talaga siya magsagip ng buhay.

Sa pagkakaroon ng lolo at ama na parehas piloto, hindi nakakagulat na naging piloto rin ang anak nito na si Jose Inigo. Nang sumapit ang pandemyang ito, naatasan ang mag-ama na pumunta at bumalik mula Italya kung saan ang hotspot ng sakit. Nasa kalagitnaan sila ng seryosong banta sa kanilang buhay ngunit namayani pa rin ang tawag ng kanilang propesyon.

Ang paglipad ay maituturing na prestihiyoso. Isa ito sa lumilikha ng sitwasyon kung saan maari mong utusan ang isang presidente o pinuno na: “Ikabit mo ang iyong seatbelt o tatama iyang ulo mo sa kisame at mawawalan tayo ng presidente!”. Sa katunayan, nailipad na ni Capt. Butch ang tatlong dating Presidente ng Pilipinas – Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo – sa iba’t ibang destinasyon. “Noong kasalukuyang administrasyon ni dating-pangulong Gloria Arroyo, nakalipad kami sa halos lahat ng kontinente, maging sa Africa at Cuba. Ang mga lugar na di mo akalaing mararating mo, nakapaglanding ako sa mga airport ng mga iyon”, wika pa niya.

At bilang benepisyo, makalilipad ang kanyang anak sa kahit anong destinasyon at oras sa first class seat. Sa katunayan, ang kanyang anak na babae ay lumilipad sa Hawaii para sa 3-day shopping.

Ngayon, sabihin ninyo sa akin? Ang buhay-piloto, boring, exciting o magiting? Ngayon dinadalangin kong sana nagkatotoo na lang yung hula sa akin noong highschool.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *