Bakit Sobrang Mahal Ng Rolls-Royce?

Si Justin Beieber Meron Nito.

Justin Bieber’s Rolls Royce Wraith 2021.
Matagal na akong nagtataka kung bakit sobrang mahal ng mga sasakyan ng Rolls-Royce. Bukod sa ganda or gara nito, ang makina pala mismo nito ay sadya para sa mga eroplano at hindi para sa mga kotse kaya naman masasabi nating karangyaan ang magkaroon ng ganitong klaseng sasakyan.

Bakit nga ba luho itong maituturing?

Simulan natin sa kulay nito: Personalized ito para sa may-ari. Sa simula palang ng iyong pagpili, mayroon ka na agad 44,000 na kulay na pamimilian at pwede ka pa rin magtakda ng mixes para rito. Kung mayroon mang gagaya ng kulay na iyong ipinasadya, kinakailangan pa nilang humingi ng permiso mula sa iyo para magawa ang nais nilang sasakyan.

Ang bawat pinta sa bawat sasakyan ay ginagawa mismo gamit ang kamay ng taong itatalaga para sasakyang iyong ipapagawa. Sa gamit pa lamang katulad ng mga brushes at pintura ay talaga namang napakahusay. Sa talaan ay umaabot sa 23 layers ng coating at mahigit 45 kilogrammes ng pintura ang nagagamit sa bawat sasakyang nagagawa.

Rolls Royce Ghost.

Sinisigurado ng Rolls Royce na bawat sasakyang ginagawa nila ay ayon sa kagustuhan ng kanilang kliyente kaya naman noong nabili na ng BMW ang brand na ito, nagbayad sila ng humigi’t kumulang 65 milyong dolyar para sa paggamit ng logo at pangalan nito.

Bukod sa panlabas ng perpeksyon ng sasakyang ito, namumukod-tangi rin ang interior nito. Mayroon lang namang 300 pounds ng acoustic installation sa loob nito na makapagbibigay sayo ng natatanging buhay habang ikaw ay nakasakay. Mayroon din itong headline na maaring ipacustomize ayon sa gusto mong constellation. Halimbawa na lang ang isang customized Phantom Rose, mayroon itong 1 milyon na tahi sa cabin at maaring maging bespoke gallery ang dashboard nito bilang isang malaking art sa likod ng salamin.

Rolls Royce Cullinan.

Habang taas-noong pinagmamalaki ng Toyota at Volkswagen ang marami nilang benta kada taon, nagdiwang din ang Rolls-Royce sa pagbenta ng 5,152 units sa buong mundo noong 2019 mula noong nabili ito ng BMW. Ang karaniwang nakabibili lamang ng ganito ay ang mga higit na mayayaman ngunit ngayon ay tila dumadami na rin ang mga kabataang nagkakagusto sa ganitong klaseng sasakyan.

Maari ngayon ay nagtatanong ka kung magkano nga ba ang inaabot sa pagbili ng ganitong sasakyan?

Depende talaga ang nagiging halaga nito sa bibili. Nagsisimula ito sa 350,000 dolyar hanggang 500,000 dolyar ngunit kadalasan umaabot ito sa milyong dolyar depende sa mga ipadadagdag ng bibili. Sa katunayan, ang Phantom Sweptail o ang tinatawag ding “World’s Most Expensive Car” ay nagkakahalaga ng 13 milyong dolyar. Talaga nga namang ang bawat sasakyan ng Rolls Royce ay magbibigay sayo ng out-of-this-world na kaligayahan.

Sa lahat ng mga mayayaman at walang pagdalhan ng kanilang yaman, subukan nyong mamili ng Rolls Royce.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.