Ang Maruming Ilog Pasig: Malapit na Magamit ng mga Motorista

Read the English version of this article here

Saludo ang Automologist na si Harold sa San Miguel Corporation sa pagsisimula nito ng Multi-billion Pasig river Revival Project. Sa wakas, ang “beer money” ay magagamit na para sa pagsasa-ayos ng maduming ilog.

Simula pa noong bata ako, ang Ilog Pasig sa kalakhang Maynila ay hindi nawawala sa usaping polusyon, hindi sa larangan ng trannsporatasyon o turismo. Sa dekadang 1800’s hanggang 1900’s, masasabing isa ito sa may pinakamainam na tubig para daaanan ng mga ferry cargo mula Maynila, mga karatig daungan nito, mga industriyal na lugar sa Pasig at karatig lalawigan ng Rizal.

Dumaan ang maraming taon ng pagtatambak ng mga basura, 75% ng ilog ay napuno ng dumi at buhangin. Makailang beses na rin ito sinikap muling buhayin ng iba’t ibang pribadong grupo at indibidwal. Matatandaang nagkaroon din ng “Save Pasig Project” ang First Lady Ming Ramos, asawa ng dating-pangulo Fidel Ramos. Kahit na ang mismong kasalukuyang administrasyong Duterte ay nagtangkang linisin ang ilog ngunit hangga’t hindi nahuhukay ang mga putik at naipong dumi sa ilalim nito ay hindi kailanman ito babalik sa dati nitong ganda.

Saludo ako kay Mr. Ramon Ang, presidente ng Beer Maker San Miguel Corporation (SMC) para sa paggamit ng naipong kita nito mula sa matagal nang pagkahumaling ng mga Pinoy sa alak sa pagbibigay buhay muli sa Ilog Pasig. Kabilang sa kanilang mga plano ang pagtanggal sa mga nakabaong mga dumi at buhangin pati na rin ang planong gawin itong isang paraan ng transportasyon katabi ng mga highway.

Ayon sa CNN Philippines, pormal na inanunsyo na ng kompanya noong Huwebes ang P 95.4 bilyon proyektong Pasig River Expressway (PAREX) ay naglalayong linisin ang Ilog Pasig – binigyang-diin na ang proyektong ito ay SOLUSYON sa loob ng isa pang SOLUSYON.

“Sa dinami-rami ng dekadang nagdaan, ang Ilog Pasig ay naihalintulad na sa isang malaking ilog ng polusyon”, wika ni Ang. “Marami nang Pilipino ang nag-iintay sa ikalilinis at ikabubuhay muli nito. Marami na ring naglalakihang fund-raising projects ang nagtangka rito ngunit sa kasamaang-palad, walang nabago”, wika pa niya.
“Hindi lamang tayo makagagawa ng direktang linya mula silangan hanggang kanlurang Metro Manila, magkakaroon din tayo ng makasaysayang tatak sa pagbabalik ng Ilog Pasig sa dati nitong ganda”.

“Ang PAREX ay 19.40-kilometro, anim na lane na expressway sa tabi ng ilog. Pagkatapos malinis ng ilalim nito sa dumi at buhangin ay maari na itong magamit ng mga transport cargo muli. Ang malinis na tubig ay magiging alternatibo sa mas mabilis na ruta mula sa mga pinakamalalaking sentro ng kalakalan: Makati, Ortigas, and Bonifacio Global City. Magiging simula na rin ng turismo ang unti-unting pagpawi ng matinding amoy na nanggagaling rito.

Ang nasabing expressway ay magsisimula sa from Radial Road 10 (R10) sa Maynila at magpapatuloy hanggang South East Metro Manila Expressway or the Circumferential Road 6 (C6). Magdudulot ito ng kabawasan sa oras ng byahe mula Maynila hanggang probinsya ng Rizal sa loob lamang ng 15 minuto”, wika niya. Ang PAREX ay magkakaroon ng entry at exit points mula sa University Belt area, San Juan, Buendia, Mandaluyong, Makati, Rockwell, EDSA, Pioneer St., BGC, and C5, bago matapos sa C6.

Kalimutan na ang pandemic at ang mga lockdown. Simulan na ang trabaho, Mr. Ang!

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published.