Alam Mo Ba Na Ang Bus Na Ito Ay Gawang Pinoy?—Bakit Ayaw Natin Gamitin?
Si Automologist Harold, ay nagtataka bakit ang bus na gawang Pinoy at dapat angkop para sa mga kalye at trapiko sa Pilipinas ay hindi ginagamit ng mga bus operator? Bakit mas gusto pa nila ang gawang China?
Ako talaga ay nagtataka bakit maling klaseng bus ang ginagamit sa mga matrapik na kalye ng Maynila, Cebu at Davao? Pansin nyo ba na ang bus na gamit ng mga operator ay yung tipong isa o dalawang napakasikip na pintuan lang meron? Ang tawag dito ay “coach-type” at ito’y pang turista at pang malayong distansyang byahe. Dahil sa masikip na pinto, matagal ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero at lalong nagdudulot ng pagsikip sa trapiko kasi ang tagal silang nakaparada sa mga loading and unloading areas. Samantalang gawa dito sa Pinas ang tamang bus—yung malalapad ang pinto, mababa ang sahig, napakatipid sa gas at EURO 5-compliant na ang makina nya (300 PS at 2,200 Rpm)!
Ang “Enhanced Daewoo Bus BS120SN” ay ang pinakamodelong “mass transport vehicle” (bus pang maramihan ang sakay) na tatak Daewoo ng Korea—at ito ay gawa ng Sta. Rosa Motor Works, Inc., ang pinakamalaking gawaan ng bus sa bansa na matatagpuan sa probinsya ng Laguna (40 kilometro layo sa Maynila). Ito ay pagaari ng isang Pilipinong kompanya na Columbian Manufacturing Corporation, ang eksklusibong distributor ng Daewoo sa bansa.
Ang bus na ito ay “eco-friendly” kasi napakababa ang binubugang masamang usok habang napakalakas ang puersa o arangkada nito ngunit napakatipid naman ang konsumo sa gas. Meron siyang “6-speed Allison automatic transmission (T350) with retarder”, isang teknolohiya na galing sa Europa. Ito ay may flat na chassis frame at napakatibay ang straktura ng katawan nito.
Ito ay binuo na ang kaligtasan at kaginhawahan nang pasahero ay pangunahing nasa isip ng manufacturer nito pero hindi nakalimutan ang pag tiyak sa maayos na kita at mabisang operasyon ng operators. Kaya nya magsakay ng 47 na pasaherong nakaupo plus 53 pasaherong nakatayo. Meron siyang akyatan ng wheel-chair, may CCTV, eletronic na signage, may audio-video at PA system, mga sensor sa pinto,may gamit pang emergency at tuloy tuloy na ilaw pang saloon.
Ang bus na ito ay may “tap and pay” na siste sa pagbabayad ng pamasahe para combenyente sa mga mananakay. Medyo mura ang presyo ng bus na ito para madali para sa mga bus operator na palitan ang kanilang “couch type”at mausok na bus at gamitin ito Daewoo bus na tinutukoy ko. Dapat panahon na ipagutos ng LTFRB ang ganitong uri ng bus na gamitin sa mga matrapik na kalye ng Pilipinas dahil ito ang tamang disenyo sa mabilis na pagbaba at pagsakay ng pasahero, iwas polusyon, matipid, ligtas at marami ang masakay sa combenyenteng paraan.
Bakit kasi gusto natin yung madaling masira, maling disenyo na gawang China? Eh meron itong air-conditioned bus na matibay, maganda ng disenyo, galing ng performance, matipid, completo, iwas-polustion at GAWANG-PINOY PA! Tama na sa hindi tamang klaseng bus, tama na sa matrapik na daan! Ayusin na ang mass transport system ng bansa!
Comment