Pag Synthetic Oil Na Gamit Mo, Kailangan Pa Ba Ng Additives?

Malaking debate sa mundo ng lubrication ang nagagnap kung sapat na ba ang proteksyon naibibigay ng Sythetic Oil sa makina o kailangan pa din ito lagyan ng additives?

Sa nakaraang 100 na taon, maraming pagbabago at inobasyon sa larangan ng lubrication ang nangyari pero sobrang dami din ang inobasyon sa larangan ng paggawa ng mga makina at sasakyan. Ang tanong ngayon ay: tamang langis ba ang gamit para sa makina o sasakyan mo?

Ang salitang “Synthetic Oil” ay napakalawak ang ibig sabihin. Sa larangang teknical, ito ay mga langis sakop ng Kategorya III—ibig sabihin artipisyal o kemical na pagkakabuo ng ibat ibang sangkap sa paggawa ng langis na may kasama ng productong hindi galing sa basihang petrolyo. May sinasabi silang “Fully Synthetic” at “Semi-Synthetic” (30% Fully Synthetic and 70% Mineral Oil).

Maraming taon nakaraan, kinasohan ng Mobil ang Castrol kasi mababa ang uri ng “synthetic oil” ang gamit ni Castrol at hindi ito dapat tawaging “synthetic”. Nanalo si Castrol sa kaso at matapos nun binawi ng American Petroleum Institute ang talaan ng standards para sa synthetic oil at lumabo and naglaho na ang batayan sa salitang  “synthetic oil”.  Ito ay naging salitang pang marketing na, hindi na salitang teknikal.

Sa totoo lang, maraming produkto na tinaway na “synthetic oils” ay hindi talaga fully synthetic. Depende ito sa “base stocks” na ginamit at nagkakaiba ang kalidad at epekto nito. Binabagay ng mga kompanya ang langis sa makina nila. Kaya pag sinabi “synthetic oil”  hindi puede sabihin na sure na mabuting kalidad na langis agad yan.

Dahil naging “commodity” na ang synthetic oil, kung minsan binababa ng tagagawa ang kalidad para lang kumita ng mas malaki. Dito mo kailangan ang magandang additives tulad ng X-1R Engine Treatment. Kung hindi maganda ang uri ng langis mo, pag linagyan mo ng X-1R bubuti ito.  Pero pag mabuting klaseng langis na gamit mo, mas lalo pang bubuti ito pag nalagyan ng X-1R. Sa isang scientipikong pagsusuri ang ASTM, napatunayan na pag gumamit ka ng X-1R, hahaba ang buhay ng langis hanggang 61%.

 

Paalala ko sa inyo na hindi recomendado ang synthetic oils sa lumang mga makina dahil magdudulot ito ng problema sa ma seals and gaskets nito. At dahil din binawasan na ng mga taggawa ng langis ang zinc at phosphorous sa langis dahil nakakasira ito ng kalikasan, bumaba naman ang “anti-wear” and “extreme pressure” properites nito. Kaya kailangan ang X-1R Engine Treatment na taglay ang “non-zinc extreme presume technology” na tumululong mabaswasan ang “wear”, labanan ang extreme pressure at bubuti ang over-all na takbo ng makinta. Ito ay kinikilala ng “green technology.”

So ito ang malaking tanong: Kailangan pa ba ng Additives? Simpre ‘OO” kung mahal mo sasakyan mo at kumg mahal mo ang kalikasan.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *